"CONGRATULATIONS, you're three weeks pregnant," sabi ng babaeng doktor na tumingin sa akin. Nilingon ko si Andrei na blanko ang ekspresyon sa mukha. Muli kaming bumalik sa ospital dahil sa hindi ako nakakaramdam ng morning sickness. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil nagbunga ang pagmamahal ko sa kaniya, o hindi dahil natatakot ako na baka walang kahahantungan ang kinabukasan ng batang nasa sinapupunan ko. Nang matapos ang doktora sa pagbibigay ng mga dapat kong tandaan ay tumayo na ako at nagpaalam. Naunang lumabas si Andrei at inalalayan ako hanggang marating namin ang sasakyan. Akmang bubuksan niya ang pinto nang magsalita ako. "Andrei." He looked at me. "What?" "S-sorry," nakayukong sabi ko. "Sorry? Sorry for what?" Nag-angat ako ng tingin. "Sorry kung nabuntis ako

