WALANG tigil sa malakas na pagkabog ang dibdib ko habang papalapit nang papalit sa sasakyan. Lumingon ako sa aking bandang kanan kung saan prenteng nakatayo sina Hideo, Jon at Andrei. Hideo told me that we're getting married, pero ang totoo ay kasal na talaga ako at sa taong hindi ko kilala. Paanong nangyari iyon? Wala akong matandaan na kahit anong papel na pinirmahan ko. Gulong-gulo na ako. "Are you ready?" Louie asked me. Tumango ako at inilipat ang tingin sa sasakyan na ngayon ay nasa harapan ko na. Before entering, I shifted my gaze to Andrei. Seryoso siyang nakatingin sa akin at walang bahid ng emosyon ang kaniyang mga mata. Hindi ba siya nalulungkot? "Eunice, the time is running. Kailangan nating makapunta ng airport bago pa mapansin ng mga tauhan ni Walton at Arthur ang plan

