I was walking in the hallway palabas ng city hall ng mahagip ng mata ko na may kausap syang babae. They are laughing so hard na para bang silang dalawa lang ang tao dun. I know he’s a mayor pero kailangan ba na ganun kalakas tumawa yung babaeng yun. I’m not jealous ok?
“Oh kriza, bakit para kang papatay sa itsura mo?” Tanong ng naging kaibigan kong si bea
“Ha? Hindi ah!” Tanggi ko naman agad
“Sus, may gusto ka kay mayor ano?” Pang aasar nya sakin kaya naman natahimik ako. Masyado na ba akong obvious? “Sabagay, gwapo si mayor tapos responsable pa. Aba sinong di maiinlove sa kanya?” Natatawang pahayag nya kaya naman natawa din ako
“Kilala mo ba yung babaeng kausap nya?”
“Naku! Yan si Juliet. May gusto yan kay mayor. Masyado syang obssess. Minsan nga may nakita yang kausap na babae si mayor, sinugod nya agad pag ka alis ni mayor. Akala mo naman girlfriend mag aasta.” Naiinis na pahayag nya
Natigilan ako. Akala ko ba mailap sya sa babae. Pero bakit parang gustong gusto pa ni khael na nilalapitan at hinahawakan sya ng juliet na yun. May gusto rin kaya si khael dun sa babae? Wag naman sana.
“Oh sya sige mauna na ako sayo, basta fighting ha? Ikaw ang manok ko” sabay kaming natawa sa sinabi nya
Paalis na sana ako ng tawagin ako ni khael. Mejo kinabahan ako kasi baka narinig nya ang pinag uusapan namin ni bea na wag naman sana.
“Can you get us a coffee?” Mayor khael asked me
“Yeah, ofcourse” sabi ko naman sabay pasada ng tingin sa babae
“Do you have a problem with me?” Tanong sakin ni juliet.
“None, ofcourse not!” Sabi ko naman sabay alis upang kumuha ng kape ni khael at nung higad nya este bisita nya.
Binigay ko agad sa kanila ang kape at umalis na. I need fresh air. Masyadong nakaka suffocate sa loob, hindi ko kinakaya.
Lumipas ang oras at sa wakas ay tapos na ang trabaho ko. Lumabas kaagad ako sa buliding at naghintay sa driver namin. Ten minutes pa akong naghintay ngunit walang dumating na sasaakyan namin. Doon ko naisipang buksan ang cellphone ko at nakitang may message sakin ang driver na sobrang traffic sapagkat may nangyaring aksidente sa daan papunta dito. Di bale na mag ko commute na lang ako. Maglalakad na sana ako papuntang sakayan ng biglang may bumusina sa gilid ko. Nang tingnan ko ay si khael.
“Need a ride?” Tanong nya sakin. Aba sino ako para mag pa kipot diba?
“Yes mayor, hindi kase dumating yung sundo ko. May aksidente daw pong nangyari sa daan at traffic kaya hindi na daw ako masusundo”
“Hop in. Hahatid na kita. Baka kase mapaano ka pa kapag hinayaan kitang mag commute”
Pagkatapos nyang sabihin yun ay pumasok na ako sa loob. Ang bango ng kotse nya!! Amoy na amoy yung scent nya dito. Pwede bang dito na lang ako tumira. Jk haha.
After a few minutes ay nakarating na kami sa village. Hininto muna kami ng guard dahil walang sticker itong sasakyan nya kaya sumilip ako sa bintana at ng makita ako ng guard ay pinapasok agad kami.
“Salamat mayor, See u tomorrow. Ingat ka” then nag wave ako
“Yeah see u”