Chapter 35: ETHER Oliver, Nakamasid lamang kami rito sa itaas. Kahit na gusto naming magpaputok ay pinipilit naming hindi umatake dahil ayaw naman naming hindi sundin ang kanilang utos sa amin. Pinanood na lamang namin kung paano mag sagupaan ang magkabilang panig. Mga Leemur lamang ang aking nakikitang sumisira sa mga gusali at lahat ng impastrakturang kanilang nadadaanan. Wala pa akong namamataang space ship na hindi sa amin kaya panatag ang loob ko na wala pang Karitano na naririto. Nakakunot lamang ang aking noo habang pinagmamasdan ang mga nagayari sa ibaba. Panay ang pagputok ng baril at ang mga pag alulong ng mga Leemur na kasalukuyang tumutupok sa lahat ng kanilang mga nadadaaanan. Halos hindi ko mabilang ang mga ito sa kanilang dami. Nakakalito at nakakatakot. Madami naman a

