Chapter 54: Near End Eunece, Dahan-dahan kong inayos ang aking puwesto dahil nangalay ang aking paa habang naka upo ako dito sa loob ng cabinet na ito. Hindi ko hinayaang makalikha ako ng kahit kaunting tonog o ingay at hindi ko rin inalis ang aking paningin sa kaunting siwang ng pinto. Hindi ko dinig ang pinag-uusapan ng dalawang persona na nasa may bulwagan at nakaupo sa harapan ng isang pabilog na mesa. Ang isa sa kanila ay ang may-ari ng bahay na aming kinaroroonan namin ngayon. Habang ang isa naman na nakahawak ng isang suit case ay ang doctor na aming hinahabol. Iba na ang kaniyang damit at pansin mula sa kaniyang mga galaw ang pagiging aligaga niya. Hinawakan ko naman ang aking earpeace dahil alam kung ano mang oras ay bibigyan na kami ni Oliver ng command upang ipakita ang ami

