Chapter 40: Prodigy Oliver, "Lampa!" sigaw sa aking mukha ng babaeng nakalaban ko sa aming practicom sa paaralan. Iginala ko ang aking paningin at nakita ang hindi maipintang mukha ng aking mga kaklase na walang pigil sa pagtawa. Napailing naman ang aming guro at inaasahan kong tulungan niya akong tumayo ngunit tiningnan lamang niya ako at binati pa ang babaeng nakalaban ko. "Lampa!" ilang ulit ko iyang narinig habang pabalik ako sa aking upuan. Physical Education kasi ang klase namin, kaya ayuko sa subject na ito eh, nasasaktan lang ako kapag gumagawa kami ng activity! Tinitigan ko lamang ang aking mga palad na may gasgas mula sa malakas kung pagbagsak sa saig. Napakasakit din ng aking pwet pero kaninang naglalakad ko ay hindi ko ipinakitang nasasaktan ako. "Simulan niyo na!" sigaw n

