Chapter 48: Unknown Experiment Oliver, "Bilisan niyo!" sigaw ko habang kami ay palapit sa may pintuan. "Naka lock!" agrsibong pinilit na buksan ni Eunece ang pinto mula sa sa kabila ngunit nabigo siya. "s**t!" inihampas ko ang aking kamay sa pinto na gawa sa salamin at umalog naman ito. "Tabi!" sigaw ni Claiden at ibinato niya ang isang napakalaking bato na napulot niya sa kaniyang paanan. "Freeze!" Napataas ang aking mga kilay nang kasabay ng pagkabasag ng pinto ay ang pagtutok ng baril ng dalawang kalalakihan kina Eunece. "Hands in the air!" sigaw pa ng isang lalaki na kaagad naman naming ginawa. Ang aking baril kasi ay nasa loob ng aking Vector na nasa aking bulsa sa ngayon. Unti-unti silang humakbang palapit sa aming mga kasama dahil nga sa may kalayuan sila. "Oliver!" sigaw ni Eu

