CHAPTER 2

1773 Words
Chapter 2: Flash Eunece, Nakatutok ako ngayon sa aking TV habang hawak ang isang tasa ng kape at nakasuot padin ako ng aking pantulog. "Magandang umaga kabayan! may inaasahang papasok na bagyo sa PAR ngayong umaga pero hindi ito inaasahang magland fall sa lupa." Balita ng weather forcaster. Dumungaw ako sa aking bintana at makulimlim ngayon ang kalangitan, mukhangang nagbabadyang umulan. Nang nagbrowse ako sa aking Acebook ay may nakita akong post ni ZachTv. Nakasaad doon na hindi raw muna makakapag stream si ZachTv dahil nag-aayos pa raw siya sa studio niya kaya isinan tabi ko muna ang pag gamit ng cellphone. Naisipan kong pumunta sa mall, napansin ko din kasi na malapit nang maubos ang suplay ko ng pagkain kaya agad na akong nagpalit ng aking damit upang makapunta na ako sa ATC Department Store para bumili ng stock ko ng pagkain, nagdala narin ako ng payong kung sakaling umulan man. Pagkalabas ko sa aking silid ay pansin kong maayos na ang kabilang kwarto at may nakalagay na ngaring pangalan sa pintuan nito, "Hi, I'm Oliver," iyan ang naka lagay doon, mabait naman siguro 'to. Linagpasan ko na lang ang kwarto nito at dumeretso na sa elevator at lumabas na nang building. I had a 15 minutes joy ride bago ako makarating sa ACT. Malapit nadin ito kesa sa ilang mga syudad na kailangang bumyahe ng halos kalahating oras. Pagpasok ko sa mall ay naglakadlakad muna ako. Pumasok ako sa isang wardrobe shop upang magtingintingin. Window shopping kumbaga. Saka lang ako bumibili ng damit kapag talgang alam kong babagay sa akin at maganda. Minsan nakakahiya nga sa sales lady dahil wala din akong bibilhin. Lumabas na ako mula doon at tinungo naman ang ATC. Agad kong pinuntahan ang seksyon ng mga titserya at kumuha ng higit sa pitong titserya. Ang binili ko ay dalawang Twomi, dalawang Uncle Juan, dalawang Krispy patatas at isang pakete ng Pressto na ang palaman ay peanut butter. Ang alam ko ay madaming may ayaw nito kesyo nakakabara raw ng lalamunan, para sa akin hindi naman. Napakasarap nito, basta may panulak ka lang ay hindi ka naman babara sa lalamunan. Dahil sa wala na akong gagawin pa dito ay napagdesisyonan ko nang umuwi na at baka abutan pa ako ng ulan. Pero paglabas ko ng mall ay umumulan na ng malakas kaya sumakay na ako ng tricycle at nagpahatid sa may paradahan ng PUV, buti na lang may payong ako dahil walang silungan ang paradahan dito. Ayukong sa tricycle sumakay hanggang sa aming building dahil sa umuulan nga. Meron namang silang nilalagay na takip pero may nakakapasok paring tubig, ayukong mabasa. Naghintay ako ng mga sampung minuto bago ako nakasakay. Naka pwesto ako ngayon sa may malapit ng pintuan dahil ako naman ang unang bababa. After almost 20 minutes ride nakarating na ako sa apartment ko, maulan kaya medyo natagalan ako naka uwi. Ipinunas ko na muna ang aking sandals sa basahan na nasa harapan ng mismong pintuan bago ito itinulak at pumasok. Pagpasok ko ng building ay may nakalagay nang umbrella rack sa may malapit ng entrance kaya iniwan ko na ang payong ko doon, safe naman dahil may lock at hawak ko ang susi. May mga ibang tao ring nagsidatingan at ang ilan ay basa ang buhok, wala silang dalang payong, mukhang hindi nila inaasahan ang pag ulan. Tinungo ko ang elevator upang makapunta na ako sa aking floor. Nakasakay na ako ngayon sa elevator at pipindutin ko na dapat ang button para sumara ito ay may biglang humarang sa pinto and I was shocked! "Ikaw!" sigaw ko dito, sa dami nang taong pwede kong makita bakit siya pa? napa ngiti naman ito at kinamot ang ulo "Sorry miss pero kilala ba kita?" tanong nito saakin, W O W !  "Hindi, pero may kasalanan ka saakin, remember my ice cream?!" pagpapaalala ko sakanya. Boom! I hit the goal ! "Wait ikaw 'yon?" tanong naman niya na parang naninigurado. "Hindi, kambal ko pala 'yon." Sarkastiko kong sagot naman sa kaniya. Napansin ko ding basa ang buhok niya at maging ang pang itaas na parte ng kaniyang damit. Naabutan din siguro siya ng ulan, pero naiinis parin ako sa kaniya. "Sorry na, ba't ba mainit parin ulo mo saakin?" curious naman niyang tanong at tumingin sa akin, hindi ko siya hinarap pero inirapan ko siya, "You ruined my ice cream eating day." Sagot ko naman at medyo pumwesto sa harap. "Eh Ice cream lang naman 'yon eh, ilibre nalang kita." Sabi naman niya at nakatingin parin siya saakin. "Hindi kita kilala." Sabi ko naman at humarap narin sa kaniya, I'm not gonna lie maganda ang mukha niya. Medyo kulot ang buhok niya at nakatakip iyon sa kaniyang noo na siyang dumagdag sa kagwapuhan niya. Ganito ba kapang isang taon ng single? "Oliver Santos, Room 20." Ini-abot niya ng palad niya para makipag shakehands. "Eunece Alexander, Room 21—wait! Ikaw 'yong bagong lipat?!" gulat na tanong ko at napa hawak pa ng mukha "Yes that's me!" ngiti naman ang loko. It's funny I guess, destiny played well today. Lumabas na kami sa elevator at nag paalam na sa isa't isa, pagkapasok ko sa aking kwarto ay iniayos ko na ang mga napamili ko at dumiretso na sa aking desktop para maglaro ng Free Shoot 4. "Hey Majors,naaalala niyo ang nangyari kahapon? 'yong tungkol sa ice cream?" tanong ko sa dalawa habang nakikipag bakbakan kami, naikwento ko kasi sa kanila. "Oo, bakit?" sagot naman ni Elly, habang itong si Dylan ay naka focus lang sa laro. "Akalain mo, ang lalaking nakabangga sa akin ay ang bagong lipat sa kabilang sild." sabi ko habang pinagdiskitahang paulanan ng bala ang kalaban ko. "Wala akong masasabi tungkol diyan." Sabi naman ni Dylan at natawa lang si Elly. "Dapat lang, baka ipag tanggol mo pa ang kapwa mo lalake." Panloloko ko naman sa kaniya. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga kaya napangisi na lamang ako. Pagkatapos naming maglaro ay nagpaalam na muna ako sa kanila dahil sa mahina ang internet, nakaranas ako ng minor lags kanina. Ayoko ng ganoon, naapektuhan ang aking paglalaro. Lumakas pa ang ulan kaya naisipan kong manuod na muna ng movie, may na download naman ako sa aking flash drive, actually matagal na iyon doon. Agad kong isinaksak ang aking TV at isinaksak din ang flash drive sa TV. Gamit ang remote ay binuksan ko ang nilalaman ng flash drive at hinanap ang file na naglalaman ng movies ko. My all time favorite, Harry Potter series! Nang nasa kalagitnaan na ako ng panonood ay nakadinig ako ng pagkatok mula sa aking pinto. Nang sumilip ako sa maliit na bilog na silipan ay nakita ko ang mukha ni Oliver, memoryado ko na ang pangalan niya dahil hindi naman ito kalimut-limot. Nang binuksan ko na ang pinto ay tinanong ko siya kung bakit, "Kakamustahin lang kita at ibibigay ko lang 'to." Sagot naman niya at iniabot sa akin ang isang plastic bag. Nang abutin ko ito at tingnan kung ano ang laman ay nagulat ako, isang tub ng ice cream! "Para saan 'to?" tanong ko sa kaniya, ngumiti naman siya. "Sabi ko naman sa'yo ililibre kita." Sagot naman niya, ngumiti ako. "Salamat." Pasalmat ko naman. "Sige mauna na ako." Paalam niya, "Sige." Sagot ko naman at pumasok na siya sa kaniyang silid. Nang maisara ko na ang pinto ay kumuha agad ako ng kutsara mula sa aking kusina at binuksan ang ice cram. Kinakain ko ito habang nanonood. Pagkatapos kong napanood ang unang installment ng Harry Potter series ay pinatay ko na ang aking TV. Parang nagka sugar rush ata ako dahil sa naubos ko na ang ice cream. Inilapag ko na muna ang aking pinagkainan sa mesa na nasa tabi ng aking kama at tumingin sa aking bintana. Sliding window ito kaya kita ko ang nasa labas kahit nakasara, kasalungat naman ang sa kabila. Habang abala ako sa pagtitig sa malakas na ulan sa labas ay biglang kumidlat at kasunod noon ang isang parang apoy na panandalian lang. Kung ikukumpara ito sa putok ng baril, ganoon iyon. Nag ha-halucinate ba ako dahil sa dami ng matamis na kinain ko? O naka witness na ako ng murder? Napatingin ako sa aking cellphone nang mag turn on ito. Nstagram: Olivahh started following you, real quick. Agad kong binuksan ang aking Nstagram, ang personal account ko, upang ifollow back siya. Insitalk ko siya ngunit wala akong nakita doon, zero post pero halos mag isang libo na ang followers niya. Nagulat na lamang ako ng bigla siyang mag sirect message sa akin. "Hey." 'yan lang? "Yo." Sagot ko naman. "Did you see something? " ano naman nakita nito? May nakita ba ako? Wait... "Gunshot? " I asked,now this is creeping me out "So I wasn't the only one." Confirming what I saw, It wasn't an imagination, it was real! Agad kong nilock ang aking pinto at ibinaba ang kurtina sa aking mga bintana, pinatay ang ilaw at nag kumot sa aking higaan. "Hey calm down," DM ulit ni Oliver, "I can hear you." Dagdag pa niya, ang creepy. Never pa kasi akong nag ka kapitbahay, ganito ba talga? O baka napalakas lang ang aking paggalaw kanina? "I'm scared." Reply ko naman, nakabalot ako ngayon ng blanket at ni hindi na nga ako makapag online sa Free Shoot 4 dahil doon. "It's ok, I'm here."  Ewan ko pero kahit papaano'y kumalma ako kahit na hindi ko siya masyadong kilala o kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan pero mabuti na rin ang may kasama ako. "Thanks." Reply ko at di na siya nag DM pa. Naramdaman kong dirediretsong nag vibrate ang aking cellphone at nang tingnan koi yon ay puro chat ni Elly sa GC naming.  I replied "I'm not feeling well, kayo na lang muna." Pagtapos no'n ay inilagay ko na ang phone ko sa malapit na table sa akin at napapikit nalang ako inisip na isa lang itong masamang panaginip. Paulitulit na nagplay ang flash na aking nakita. Nakakatakot, baka bigla akong mainvolve sa isang krimen. Mapapasabak ako sa court room at ipagtatanggol ko ang biktima. Habang iniisip ko ang mga iyan ay kinakabahan ako dahil hindi ko pinangarap ang maranasang makapasok sa court room, kaya nga hindi ko pinangarap na maging abugado! Nang tingnan ko ang aking cellphone ay alas dose na pala ng gabi. Naramdaman ko na rin ang pagod sa katawan ko. Mukhang nawawala na ang epekto ng asukal sa katawan ko. Bumalik na ako sa aking pagkakahiga at kinumutan ang kalahating ibaba ng aking katawan, kumportableng inihiga ang sarili at ipinikit ang mga mata. Hanggang sa unti-unti na akong nakatulog, sinakop ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD