Joanna's POV
I'm always bored whenever I'm waiting, but this time my starbox coffee is here to accompany me. I'm waiting for someone na makakatulong sakin para makausap ko si Ally.
Kahapon I just got his number sa mga papers ng mga nagtatrabaho kay Matthew. And lucky to say, pumayag siyang makipagmeet sa'kin ngayon.
***After 15 mins.***
Kanina pa ako naghihintay sa kanya ng biglang tumunog ang wind chimes na nakasabit sa may pinto. Napatingin ako sa gawi ng pinto and finally he's here.
"Sorry kung na late ako. May importante pa kasi akong inasikaso." He stated na para bang hinihingal siya.
"You may take your seat." I curiously stared at him for a second before I ended up saying, "James, tumakbo ka ba or sumakay?"
"Sumakay ako but nilakad ko na lang papunta dito. Kasi kung hihintayin ko pa umusad yung traffic baka anong oras na ako makarating. Bakit may problema ba?" Tanong ni James habang kitang-kita kong tumutulo na yung pawis niya.
" Excuse me, waiter." Itinaas ko ang isa kong kamay at tsaka lumapit sakin ang isang waiter.
"Yes Ma'am. What can I do for you?"
"Can I have tissue, 1 glass of water, and 2 Cappuccino. Thanks."
"Noted, Ma'am." Habang nililista ang order ko.
"Joanna, don't mind to buy for me. It's fine." James uttered.
"No, it's fine James. Treat ko naman for now. So btw, about kay Ally. I want you to help me." Diretso ko siyang tiningnan, eye to Eye para mas dama.
"What kind of help do you want, Joanna?" Nagtataka nitong tanong.
"I want to talk to Ally, next week. I wanna explain something to her but I just can't ask her directly. So what do you think? Can you help me?" Sagot ko sa kanya ngunit hindi ko sinabi kung ano talaga ang pag-uusapan namin ni Ally. The topic will be just between Ally and I at hindi na niya kailangang malaman pa iyon.
"Pwede kong sabihin ito kay Ally. Pero hindi ko maipapangako na makakapunta siya next week. As far as I know, busy siya this whole month." Walang pag-aalinlangang sagot ni James.
Magsasalita na sana ako ng biglang dumating ang waiter at nilapag ang inorder ko sa table namin.
"Thanks," I smiled tsaka umalis yung waiter after ko magbayad.
"So back to our topic. Basta masabi mo lang kay Ally, it's her choice kung pupunta siya or hindi. Just tell her na maghihintay ako." I said in a low tone.
"But what do you need from her though?" Tanong sa akin ni James.
"Kaano-ano ka ba ni Ally?" Instead of answering him, sinagot ko ng tanong ang tanong niya. As far as I know naging seatmate niya lang naman si Ally. Biglang natigilan si James sa tanong ko. At uminom ng cappuccino nya.
Kasi ever since na naging magbest friend kami ni Ally nung College. Never niyang nabanggit ang pangalan ni James. Wala din naman siyang nakukwento sakin dahil serious type of student si Ally noong nag-aaral pa lang kami. At alam kong hindi siya mahilig makisalamuha sa mga tao.
"I'm just her friend."
Anong meron sa lalaking ito at napapangiti ng walang dahilan? Baliw lang?! When the awkward silence started to build up, my phone suddenly rang. I looked at the screen to see who's calling. Si Matthew.
"Gotta go James. Please tell Ally, okay? Thanks." Saka ako umalis.
Pero wait may naalala pala ako.Palabas na sana ako ng pinto, but napabalik ako sa table namin kanina ni James. Sinundan lang naman ako ng tingin ni James habang kinukuha ko ang cappuccino ko.
"Hehe, sayang kasi mahal to eh." Sabi ko at mabilis na lumisan sa Starbucks.
I better call back, Matthew. I didn't manage to pick up his call earlier.
***
James' POV
Nandito parin ako sa coffee shop. Nagpapalipas-oras muna ako dito. Kanina lang bumalik si Joanna para kunin yung coffee niya. Akala ko nakalimutan niya, sayang naman.
Biglang nag-vibrate yung cellphone ko. Kinuha ko agad sa bulsa ng pantalon ko. Nag-text si Ally! Biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng mabasa ko kung kanino galing ang mensaheng iyon. I opened the text message immediately to read it.
From: Ally
Hi James. Busy ka ba? Pwede mo ba akong puntahan sa condo ko? Natatakot kasi ako. Parang laging may nakatingin sakin. Please come.
'Anong nangyari? Bakit ganun yung text sakin ni Ally?' Mabilis akong lumabas ng coffeeshop matapos kong kunin ang kape sa lamesa. I don't wanna overthink, ang gusto ko lang mapuntahan ko kaagad si Ally.
Pumara agad ako ng taxi. Iniwan ko kasi yung kotse ko sa parking ng condo. Dahil nga makikipagmeet ako kay Joanna at may dinaanan din ako. I just hope Ally is fine.
I decided to text Ally while I'm on my way.
To: Ally
Alright, I'm on my way. Just stay there,'wag ka ng lumabas ng unit mo okay.
(Message Sent)
Nag-vibrate ulit yung cellphone ko at binuksan ko naman ang message ni Jack.
From: Jack
Pare wanna come? Magbabar kami ngayon ni Adrian. Labas ka naman dyan sa kweba mo. Lagi mo na lang kasama yang chixx mo. TIME TO HAVE FUN, MAGHANAP KA NAMAN NG IBANG BABAE PARE...
Nagreply agad ako kay Jack.
To: Jack
Pare Sorry talaga. Pass muna ako diyan. Kailangan kasi ako ni Ally ngayon. Bawi na lang ako pare. Jack magpakatino ka, naku! Baka mapingot ka ng asawa mo. HAHAHA Good Luck! XD
(Message Sent)
Bumaba na ako ng Taxi at nagbayad. Tsaka ako naglakad sa loob ng building at sumakay sa elevator. Pinindot ko ang 7th floor button para makapunta sa unit kung nasaan si Ally.
Pagdating ko sa tapat ng unit ni Ally agad akong kumatok sa pinto ng unit niya.
"It's me, Ally." I softly uttered. Kaya agad namang nagbukas ang pinto.
"James! Come in." Tila balisang sabi ni Ally. Pumasok agad ako at umupo sa sofa kasama siya.
"What's the matter, Ally. Ano bang problema?" Tanong ko kay Ally.
"After my duty, I straightly went home. While I'm on my way here I can feel that there's someone who's looking at me. But I just can't see whoever it is. Hanggang sa makarating ako dito sa tapat ng unit ko may sumusunod parin sakin pero wala naman akong nakikitang tao. It's just so weird!" wika ni Ally na halatang paiyak na. Tila batang nagsusumbong sa akin.
I grab her shoulder pulling it closer to me. 'You're safe now, Ally. I'll be here for you.'