SOBRANG liwanag na ng magising si Amaiah Gabrielle. Nang tingnan niya ang kaniyang katabi ay wala na ito. Last night was a blissed. He took her gently as if they were making love. Ilang ulit din siyang nagpaubaya at kagaya noong una niyang ibinigay ang sarili sa asawa niya ay wala siyang makapang pagsisisi sa dibdib niya. Agad siyang napatakip ng mukha nang biglang mag-init iyon, pagkuwan ay nangingiting napailing-iling na lang siya. Well, happiness is a choice at pinili niyang maging masaya kahit kaakibat nitong lahat ay walang ibayong sakit kapag dumating na ang araw na kintatakutan niya. Ang araw na sasabihin na sa kaniya ni Brant na maghiwalay na sila. Well, pagkatapos kong maisalin sa pangalan niya ang kumpanya at ang posisyon ko bilang President and CEO, I will let my grandson de

