AMAIAH walks back and forth in the living room. Hindi na talaga siya mapakali dahil pang-apat na araw na ngayon na hindi umuuwi si Brant mula nang sinabi niya na nagtatrabaho siya bilang entertainer sa Japan at may asawa ang lalaking nakabuntis sa kaniya. Gusto sana niyang sabihin dito lahat para mas maintindihan nito kung bakit siya nagpapakababa ng ganoon pero bigla na lang itong umalis at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umuuwi. "Hija, magpahinga ka na muna." pangungumbinse na naman sa kaniya ni Manang Diday. Kanina pa ito pabalik-balik para kumbinsihin siyang magpahinga na muna dahil kaninang umaga pa siya narito sa living room para hintayin si Brant. Matapos niyang mag-agahan kanina ay dito kaagad siya dumeretso baka umuwi ito para magbihis pero hindi naman ito dumating. Ngay

