NAPAKALIWANAG ng buong mansion pagdating nila ni Brant. Parang hindi naman dinner with family lang ang magaganap ngayon. Tiningnan niya si Brant na ngayon ay bumalik na naman ang napaka-seryoso nitong mukha. Naiintindihan naman niya ito kung bakit ganito ito, hindi naman kasi madali ang pinagdaanan nito sa abuela at sa madrasta nito, simula bata pa lang ito. Nang bumukas ang gate ay kaagad ipinasok ni Brant ang sasakyan nito at inihinto din nito iyon katabi ng isang kulay puting Montero Sport sa may garahe. Napalunok siya sa dami ng sasakyang nakahilera sa may parking space. Mukhang bukod sa pamilya ni Brant ay may iba pang mga bisita ang lolo at lola nito ngayong gabi kaya mas lalo siyang kinabahan. The last time she was here, ay galit na galit sa kaniya si Madam Deborah. “Let’s

