KABANATA 38 Does a betrayal leaves us Defensenless? No! It only makes us Stronger. Madaling lumipas ang araw, oras at minuto. Dalawang araw nalang para i-celebrate ang kaarawan ni Ezequias. Naging abala din si Jian sa paghahanda para sa kaarawan ng anak niya. Minsan lang kami nagkikita at magkasama dahil nga sobra siyang busy. Buti nalang andon si Niko para samahan siya lage, at tinutulungan siya para sa pag prepara. Bumangon ako sa pagkahiga pero bigla akong nahilo at kumakalam ang aking sikmura dali dali akong pumanaog sa kama at pumunta sa banyo para sumuka. Kumakalam kasi ang tiyan ko na parang iwan. Napapansin ko na ito nong nakaraang araw, pero binabaliwala ko lang baka kasi dala lang sa pagod. Nanghihina ang katawan ko nang inilabas ko ang lahat at hinay hinay na naglalakad paba

