Mabait na nakangiti sa kanya si Amore habang magkaharap sila nito nakaupo sa harapan ng bahay nila. "Alam kong nagtataka ka kung bakit ako nandito,uunahan na kita hindi ako pinadala dito ni Erol para...alam mo na,tulungan kang matanggap mo ang tunay niya pagkatao," anito. Naikuyom niya ang mga palad. Bahagya niyang nilingon ang nakabukas na pintuan nila baka nandun lang ang nanay niya at nakikinig sa kanila ayaw niya marinig nito ang tatanungin niya sa kanyang bisita. "L-lobo ka din ba?" pagkaraan tanong niya rito. Lumaki ang pagkakangiti nito sa kanya. "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong OO?" anito. Bumuga siya ng hangin. Inaasahan na niya iyun ang isasagot nito. "Naniniwala ako sa mga pamahiin pero hindi...hindi sa mga lobo," mahina niyang saad. Napaigtad siya ng abutin nito an

