Late na siya nakatuLog dahil sa kakaisip tungkol sa pagkikita nila ngayon umaga ni Sir Erol. Madilim pa ang paligid at nakakaramdam siya ng excitement. Hays,araw-araw na niya pinanabikan na makita ang amo niya. Malala na ata itong nararamdaman niya para sa Sir Erol niya. Nag-ingay ang doorbell niya. Agad na tumibok ng mabilis ang puso niya. Nagbreath in,breath out muna siya bago niya tinungo ang pintuan. "Good morning,Sir Erol!" agaran na pagbati niya rito. Nakangiti ito sa kanya. Talagang maganda ang araw niya na makita ang nakakaakit na ngiti nito. Agad na sinikil niya ang sarili. "Morning,and please,Erol lang kapag wala tayo sa trabaho,okay?" anito. Hindi siya agad nakaimik. "Ready now?"pukaw nito sa kanya. "Uhm,Yes Sir--uh,"nahihiya siyang sabihin ang pangalan nito. Tila na

