Hindi nila inaasahan na bigla bubuhos ang ulan bago pa man sila maghanda pabalik sa maynila ng Sir Erol niya. Ang nakakahiya pa nasaksihan nito ang mga pagtulo ng ulan sa mga butas na nasa bubong. Tinulungan sila nito maglagay ng mga timba,batsa at tabo sa tapat ng mga tumutulong butas. "Nadadalas na ang pag-ulan dito satin ," saad ng kanya ina na abala sa pagpupunas sa sahig na nabasa ng pagtulo. Sinulyapan niya si Erol. Tahimik lang ito nakatitig sa tumutulong ulan mula sa bubong. Napabuntong-hininga siya. Ito na ata ang pinakakahiyang pangyayare sa buhay niya. Atubili siya ngumiti rito ng sumulyap ito sa kanya. Mataman lang ito nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung ano nasa isip nito. "Wala po ba kayo maaaring pakiusapan ayusin ang mga butas sa bubungan niyo,'nay Belinda?" Nap

