Tulungan na kita...baka nahihirapan ka na,ikaw na nagbitbit ng lahat na pinamili natin,"giit niya rito na tulungan ito pero ayaw ibigay sa kanya ang kahit isa sa mga pinamili nila sa palengke para sa kakainin nila hanggang bukas ng hapunan bago sila muli bumalik ng maynila. "Huwag na nga,kaya ko bitbitin ang mga ito kung gusto mo pati ikaw bitbit ko eh," anito na ngumisi sa kanya. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Mukha naman balewala lang rito ang mga bitbit nito. Nanahimik na lang sya. Pinapantayan niya ang bawat hakbang nito. Nakaalalay kung sakali man mangawit ito at mabitawan ang ibang plastic na pulos mabibigat din. Papadilim na at dahil sa kagustuhan nito na maglakad sila,ito ang nasunod. "Bakit natahimik ka?" pukaw sa kanya nito. "Ayaw mo naman magpatulong eh," aniya habang

