Hindi niya alam kung anong meron ngayon araw pero wala talaga siyang masakyan na taxi. Maliwanag pa lang nag-aabang na siya pero madilim na ang buo paligid at marami pang pasahero ang nag-aabang. Nakaraan araw naman hindi ganito katumal ang mga taxi. Gusto na niya umuwi at nangangawit na talaga ang mga binti niya sa kakatayo sa pag-aabang ng taxi. Napabuntong-hininga siya. Wala naman siya magagawa kundi maghintay hanggang sa makasakay siya. Maya-maya pa ay may isang kulay itim na magarang kotse ang huminto sa tapat niya. Hindi niya sana papansinin ito pero bigla naging pamilyar sa kanya ang kotse. Bumukas ang pintuan sa kabilang side ng kotse at nahigit niya ang hininga ng bumungad sa kanya ang Sir Erol niya. "Sumakay ka na," matiim nitong utos sa kanya. Nagdadalawang-isip siya kung s

