Literal na tulala siya habang nakatitig sa nagkukulayang kisame. Kanina,nang ipakita sa kanya ni Sir Erol kung ano meron sa kisame ay para siyang bata na tuwang-tuwa. Bigla niya naalala ang probinsiya niya. Mahilig din siya magstar gazing sa may bukirin at pakiramdam niya nasa bukirin siya ngayon. Hindi pa rin siya makapaniwala,sa buong buhay niya hindi niya pinangarap na manirahan sa ganito klaseng kwarto. Bakit kaya bigla nagkaroon ng pake sa kanya si Sir Erol? Bumuntong-hininga siya. Wala sa sarili na sinapo niya ang kanyang dibdib sa tapat ng puso niya. Lagi mabilis ang t***k niyun sa tuwing nasa malapit si Sir Erol sa kanya. Hindi kaya gusto niya ang boss niya?! Hindi ba obvious? Hindi ka nga makatingin sa kanya ng deretso eh,di ba ? Di ba? anang ng antribida niyang isip. Malayo

