HFL4: FOUR

396 Words
Eksperto na lumapag sa helipad ang private chopper ng Mommy Erin niya sa ibabaw ng building ng Diamond Airlines. Nauna na siya bumalik ng maynila mula sa bulacan kung saan dumalo siya sa kasal ng kanyang pinsan na si Vladimir. Halos magkasunod-sunod nga nagpakasal ang tatlo pinsan niya,nauna si Jamiel na sinundan naman ni Dwayne at ngayon si Vladimir naman. Sino naman kaya ang sunod? Siya ba o yung dalawa pang single na si Stanley at Gian? Tss,hindi naman siya umaasa na siya ang susunod na ikakasal. Wala pa sa bokabularyo niya yun. Masaya ang maging single pero alam niya may babae itinakda sa kanya gaya ng tatlong kinasal na pinsan niya sa mga babae itinakda sa mga ito. "Goodmorning,Sir!" agad na pagbati sa kanya ng lalaki kausap niya habang lumalapag siya. Ito ang pinaasikaso muna niya sa nga board members na naghihintay sa pagdating niya. "Nasa board room na ba ang lahat?" "Yes,Sir," anito. Inayos niya ang suot na business suit niya habang sakay ng elevator inaayos niya ang necktie na ngayon lang niya kinakabit. He's the CEO,kaya dapat mukha presentante siya sa harap ng lahat. Bumukas ang elevator sa palapag kung saan naroroon ang board room. "Yung secretary na kinuha ni Daddy,nasaan?"tanong niya rito. Ayaw sana niya magsecretary pa kaso ang daddy niya ang may kagustuhan ikuha siya niyun. "Naasikaso na po niya ang lahat,pati ang mga papeles na kakailanganin niyo nasa desk niyo na," inporma nito sa kanya. "Good," aniya pagkatapos pumasok na siya sa binuksan pinto ng lalaki. Isang rule,bilang sekretarya ni Erol Dariuz,ang maging invincible sa paligid nito. Nakakatawa pero iyun ang nais na gawin niya. Ayaw daw taLaga magpakuha ng sekretarya ang anak ng Former CEO na si Darrel Dariuz,para pumayag ito magtatrabaho siya na hindi ito naaabala. Tss,gaya ngayon,alam niya dapat siya ang nag-aassist sa boss niya habang nasa meeting ito pero dahil may rule siya maging invincible hindi siya kailangan nito roon. Bumuga siya ng hangin. Isang Linggo na mula ng matanggap siya. Ngayon araw lang niya makakaharap ang boss niya. Hinila niya ang isang drawer sa gilid ng desk niya. Dinampot niya ang insenso doon. Palagi siya nag-iinsenso pagkasapit ng alas y saiz. Papausukin muna niya ang buong opisina para sa ganun mawala ang negative energy sa buong paligid. Siguro naman hindi mamasamain ng boss niya ang pag-iinsenso niya. Para naman ito sa kapayapaan ng silid iyun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD