Chapter 26 Mask Sinundan ko si Bobbie sa loob. Sinabi ko kay Anton at Robert na manatili na lamang sa labas, sumunod naman ang dalawa sa sinabi ko. Huminto si Bobbie nang makita na naka lock ang pintuan. "You're just wasting your time." I told her. Wala naman kasi si Apxfel dito. Kung gusto niyang bisitahin ang mga alikabok dito sa bahay ay ayos lang din naman... "Apxfel is not here." I'm still trying to control everything in. I don't really want to lash out on her. Kahit papaano naman ay hindi ko makakalimutan ang mga pinagsamahan namin noon. I just hope that she won't push me to my limitations. "Where is he?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Hindi ko siya sinagot dahil sa nagbabadyang iritasyon. Ilang saglit lang at kinuha niya ang cellphone niya at may ipinindot n

