Chapter 28 Done deal I hurriedly went to the bathroom for a quick shower. Tumawag kasi sa akin iyong secretary ko at sinabi niya na on the way daw si Mr. Mendoza sa isang restaurant dito sa SanFo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya roon, malamang ay mag aagahan... Pero may kausap kaya siya? O kaya naman ay may ka date? Hindi bali na. Basta pagkatapos ng kung ano man ang gagawin niya roon ay saka ko siya kakausapin. Ang importante ay makarating na agad ako sa kung saan mang resto iyon para maabangan na namin siya. It's been four days since we've start playing hide and seek! For the past days, pumupunta ako sa opisina niya rito, pero pagdating ko roon ay wala akong naaabutan. Minsan naman ay wala raw dahil may meeting sa ibang lugar. I can't help to be frustrated, but what should

