Chapter 8 Bandage I tried my best to speak. Tila ba napanis na ang aking laway at ang hirap hirap na magsalita. "Mom..." I uttered. Hilatsa ko ay narinig naman iyon ni Mommy. Nakita ko ang kanyang paglingon. Nalaglag niya ang prutas na kanyang hawak. "Abigail!" she called. Agad siyang tumungo sa akin. "Anak, gising ka na." Happiness showed in her face. Ngunit kita ko rin ang stressed at pagod sa kanya. "Abigail, anak ko, gising ka na." banggit niyang muli. "Dad! Gising na si Abigail!" Nagising naman agad si Daddy sa sigaw ni Mommy. Nagpunta siya sa akin ngunit sumigaw ulit ang Mommy ko na tumawag ng nurse at doctor kaya lumabas na muna si Dad. "Anong pakiramdam mo, anak?" tanong ni Mommy. Namumuo rin ang luha sa kanyang mga mata. This is like a déjà vu. "Mom... asan..." bago k

