Chapter 2
Bed
Walang humpay na tumawa si Zimmer.
"Akala mo ba nakaligtas ka na? Hello, para sayo originally itong box!" bulyaw ni Paui. Agad namang napatigil si Zim sa pag tawa.
"Patay ka." sabi naman ni Apxfel sabay ang bahagyang paniniko niya kay Zimmer.
"Patay ka din." sagot ni Zim sa kanya.
Tinitigan lang namin ni Paui ng masama ang dalawang itlog na ito. Tsk! Amanda pala ha!
Hanggang sa pag sakay namin ni Apxfel sa kotse ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Aba! Wala akong balak pansinin siya kahit pa makarating na kami sa bahay. Kakain na lang ako!
Gusto ko ng corn... na mag bagoong!
"Wife, I'm sorry. That was absolutely nothing." sabi ni Apxfel. Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya, nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig ito sa akin.
Mas inihilig ko pa ang mukha ko sa may bintana. Tse! Nothing mo puwet mo.
"Gusto namin siya pag tripan ni Dominic. It was my idea to contact Amanda... Zim's ex, to send a gift. That was just it." pag papaliwanag nito.
Hinarap ko siya.
"Ah ganoon. So talagang kilala mo yung Amanda at may contact ka pa sa kanya?!"
Nakita ko naman ang unti-unti niyang pag ngiti. Ay? Ano ang dapat ika ngiti?!
"You're jealous, wife." sunod na sabi nito.
Umawang ang labi ko roon pero mas lalo lang humagikgik si Apxfel sa reaksyon ko.
"Ang cute mo..." sabi niya sabay ang pag haplos sa pisngi ko. "...That was really nothing. Naalala ko siya because she is Zimmer's most annoying ex. At hindi ako ang nag contact sa kanya, si Dom."
Dahan dahan kong inalis ang kamay niya sa mukha ko.
"Pero binigyan ka niya ng wine!" giit ko pa.
"Well... pogi ako, e." sabi nito kaya tinitigan ko siya ng masama. 'Yung pinaka masamang titig na kaya ko, ginawa ko na!
Napalunok naman siya.
"I was just kidding, wife. I'm sorry. Okay, I'll make it up. Anong gusto mong gawin ko?"
Ako naman ngayon ang napangiti. Gusto ko ng turon.
Nag tungo kami sa mall para bumili 'nun. Natikman ko kasi 'yung turon doon dati... ang sarap.
Si Apxfel na lang ang bumaba ng kotse. Iyon kasi ang ini-request ko sa kanya. Ang bilhan niya ako ng turon.
Gusto ko rin sanang bumaba pero tinatamad na ako, e. Saka sumasakit na rin ng kaunti ang likuran ko.
Habang nag aantay, hinawakan ko ang tiyan ko. Nararamdaman ko kasi ang mga mumunting pag sipa sa looban ko.
"Baby, ang likot mo. Mukhang manang mana ka sa Daddy mo." saad ko sabay ang pag himas doon.
Kinabukasan, humambalang ako sa pintuan dahil papasok na si Apxfel sa opisina. Gusto ko kasing sumama pero ayaw niya.
"Wife, I told you. Maiinip ka lang roon. Baka sumakit pa 'yung tiyan mo. Wala kang mahihigan sa opisina." sabi nito.
Umiling naman ako.
"Pwede naman ako sa couch, e. Sige na please!" pag pupumilit ko pa.
"Wala namang kama sa loob ng opisina ko. Ayaw kong mapagod ka kakaupo o kaya ay mangalay doon. I can't risk that. It's better that you're here at home."
"Fine." I said. Nakahinga naman siya ng mabuti at lumapit sa akin. Yinakap niya ako ng dahan dahan.
"Uuwi din ako agad, okay?"
Tumango na lang ako.
"Kama pala ah." bulong ko. Tinanong pa ako ni Apxfel kung ano iyong sinabi ko pero sabi ko ay wala lang 'yun at mag ingat siya sa byahe.
Pagkaalis na pagkaalis niya, agad kong kinuha ang phone ko at nag search kung saan makakabili ng kama na makakapag deliver ngayon din sa mga oras na ito.
When the bed company contacted me that they will deliver it immediately in the said address, nag bihis na ako agad at tumawag ng taxi. Hindi ako nahirapan dahil gumamit ako ng app para makapag tawag.
Binati ako ng mga empleyadong nadaanan ko. Ngumiti ngiti naman ako sa kanila. Ilang buwan na din akong hindi nagagawi rito sa kompanya pero buti naman at kilala pa nila ako kahit na ang lapad ko na...
"What the heck is this?! Kama? Sa opisina ko?" rinig kong sigaw ni Apxfel.
Sumilip naman ako sa pinto at nakita ko iyong delivery boy nung bed company na pinag orderan ko.
May hawak siyang papel at pinapapirma niya iyon kay Apxfel ngunit nakakunot lamang ang noo nito sa kanya.
Pumasok na ako sa loob. Gulat na gulat si Apxfel nang makita ako kaya naman agad din siyang lumapit sa akin.
"Why are you here, wife? I told you that you should stay at home, didn't I? How did you get here? Okay lang ba ang biyahe mo?" sunod sunod niyang tanong.
I just shrugged.
Pumunta ako sa delivery boy at pinirmahan iyong papel na bitbit niya para makaalis na siya.
Pagkatapos kong pumirma ay agad ko ring inabot iyon sa kanya, ngumiti ito sa akin. I think it's a sign of courtesy kaya naman ngumiti rin ako rito.
Bigla bigla namang pumagitna si Apxfel sa amin.
"Why are you smiling in front of my wife? Why are you even looking at her?!!" sigaw nito.
"Huy, ano ka ba?" mahina kong saway kay Apxfel. Wag niyang sabihing nag seselos siya pati dito sa delivery boy?!
Sinabi ko roon sa boy na makakaalis na siya kaya naman agad na rin itong umalis.
"Are you defending that guy?" tanong niya. Nakakunot pa rin ang noo nito.
"Seryoso ka, hubby?"
"So you think I'm joking?! I don't want any guy smiling at you! Or even look at you! And I'm serious!"
Umangkla naman ako sa kanyang leeg at idinampi ko ang labi ko sa labi niya.
It's a one soft smack.
"You're decieving me, Mrs. Gonzalez." sabi niya tapos ay mariing pumikit.
"What?" painusenteng tanong ko rito.
"You know I can't resist this. Tuwing hinahalikan mo ako, nagiging okay na agad ang lahat. Ang daya."
Tumawa ako sabay ang pagkalas ko mula sa kanya.
Pumunta ako malapit doon sa kama na inorder ko. Hinawakan ko iyon at talaga ngang malambot ito. Buti naman.
"And you think you can get away with that? Isa pa 'yan. Why did you order a bed in my office?" tanong niya.
"Sabi mo walang kama sa opisina mo diba. Kaya bumili ako." diretso kong sagot sabay ang pagupo sa malambot na kama.
Pinalagyan ko rin sa kanila ng bed sheet at unan itong kama kaya naman talagang ready na ito para mahigaan.
"A bed in the office... seriously?"
Tumango tango naman ako sa kanya.
"Gusto ko kasi talagang makasama ka ngayong araw." I sincerely told him.
Tila bumagsak naman ang matipuno niyang balikat.
He exhaled and then cuffed my chin. "I want that too," sabi niya. Ngumiti pa ito... flashing his perfect white teeth.
"I'm just gonna explain if ever an investor or a guest come here. Mag tataka ang mga iyon kung bakit may kama sa loob ng opisina ko." dagdag pa niya. Muli lang akong tumango sa kanya at tuluyan ng humiga roon sa kama.
I suddenly felt sleepy.
Naramdaman ko naman ang pag upo niya sa may paanan ko. Hindi siya makakatabi sa akin dahil single bed lang ang kinuha ko. Hindi naman ako pwede kumuha ng king size bed! Single bed nga lang ay nakakailang ng ilagay sa loob ng opisina...
"Hey, wife." tawag niya.
Idinilat ko naman ang mga mata ko para masulyapan siya.
"You know, there is still a positive thing about this bed... bukod sa makakapag pahinga ka."
"Ano 'yun?" seryosong tanong ko sa kanya.
He went near me, reaching my face...
"It's what we can do on this bed." sabi nito at kumindat.
"Baliw!"
Pipikit na sana ako pero bigla kong nasilayan iyong painting na nakasabit sa dingding.
"Hub hub, I want that." sabi ko sabay turo doon sa painting.
Umamba naman siya para kunin iyong painting. Wtf?!
"Hindi 'yan! Tingin mo ba ganoon ako katakaw?! Pati painting kakainin ko?!!"
He suddenly laugh like there's no tomorrow.
Is. He. Freaking. Kidding. Me.
"Joke lang." he said and then laughed again. Pumunta naman siya sa may intercom niya at may kinausap roon.
Ilang minuto lang ay may pumasok na din na isang babae na naka postura. Hindi ko siya kilala...
"Get me some grapes. Please make sure that it looks exactly like what's on the painting..." sabi niya sabay turo doon sa paiting. Agad namang tumingin iyong babae roon. "...my wife would frown if not. So please, try your best to find that kind of grapes."
Tumango naman iyong babae. "Yes, Sir." saad nito.
Tumingin din ito sa akin at yumuko.
Pagkaalis nung babae, tinanong ko si Apxfel kung sino iyon. Ni hindi nga siya pamilyar sa akin, e.
"Bago ba 'yun?" tanong ko pa.
"Yeah. She's my new secretary."
"What happened to Martha?" I asked. Nung nakaraan lang ay nakausap ko pa ito noong tumawag ako rito sa opisina, e. Si Martha ang kilala kong secretary niya. Mabait iyon at maaasahan talaga.
"She resigned." sagot ni Apxfel.
Itatanong ko pa sana kung bakit ito nag resign pero biglang tumunog ang cellphone ko...