Chapter 43 Little by little Binulatlat ko iyon. Bianca Cepeda Iyon ang pangalan na nakasulat sa papel. Kumunot ang aking noo. Sino ito? Ano bang gustong ipahiwatig ni Phillip? Hindi ko lubos na maintindihan ngunit parang may kutob ako roon. Inabot ko iyong papel kay Max. "I have no idea about this person. But can you do a research and report to me?" I told Max. Agad naman itong tumango. Habang pauwi ay naguguluhan pa rin ako. I wanted to ask Phillip! I want to know it so badly! Nang makarating sa babay, nagtaka ako roon sa isang kulay gray na kotse sa tapat. Kaninong kotse ito? Bumili ba ulit ng bagong kotse si Dom? Napatalon ako nang makita si Paui at Zimmer pagpasok ko sa loob. "Frans!" maligayang sigaw ni Paui. Halos mag dive siya para mayakap ako. "Paui! Nakauwi na pala ka

