Chapter 41 What Kind Tinakbo ko ang parke. Wala akong dalang pera o kahit ano man. Tanging sarili ko lamang ang mayroon ako. Tumigil muna ako at bahagyang pinunasan ang aking mga luha. Pagtingala ay nagulat ako sa taong nasa harapan ko. "Phi... Phillip?" I was surprised to see Phillip Mendoza here. Huli ko siyang nakita ay sa States pa. Iyon 'yung nakipag meeting ako para sa isang proposal ngunit sa kasamaang palad ay natanggihan. "Bakit ka nandito?" tanong ko pa. Lagi kasi siyang ganyan. Lumilitaw na lang bigla! "I'm just... just having a little vacation." sagot niya. Dahan dahan akong tumango. Sabay noon ang mabilis kong pag-iisip na humingi ng tulong sa kanya. Damn. I badly need help! I need money! I need to go back to Manila! "Can you lend me some money? Kailangan ko lang tal

