Mabilis akong Tumatakbo ngayon patungo sa lugar na paborito ko. Makulimlim pa ang panahon at mukhang uulan. Ngunit wala akong pakialam dahil gustong-gusto ko ang lugar na aking pupuntahan. Nais ko ng tahimik na kapaligiran.
Habang tumatakbo ay bigla akong napatingin sa suot kong
black jacket na may hoodie habang nakasuksok ang dalawang kamay ko sa magkabilaang bulsa ng jacket. Nakasuot din ako ng itim na rubber shoes.
Subalit, bigla akong napahinto sa pagtakbo nang mapatingin ako sa mga tauhan ng aking Ama. Gusto kong magmura sa aking isipan, sa nakikita ko ay hindi pa yata tapos ang training ko.
Ilang saglit pa’y mabilis na silang sumugod papalapit sa akin. Nakakainis naman, simula madaling araw ay nakikipaglaban na ako sa kanila ngunit hindi pa rin kami tapos sa training. Akala ko’y makakapagpahinga na ako, hindi pa pala.
Kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang bilis ng kilos nila upang patamaan ako, ngunit hindi ako magpapatama sa kanila. Lalabanan ko sila, kahit na sabihin pang training lamang ito. . Sa bawat pagtama ng kamao nila patungo sa akin ay siya namang bilis nang pag-ilag ko. Ngunit nang marinig ko ang pagtunog ng relo kong suot ay hudyat na 'yon na kailangan ko ng magtungo sa paaralan ngayon.
Kung kaya naging seryoso ang aking mukha at matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanila.
Maliksi akong kumilos at isa-isa ko silang pinagsisipa sa dibdib. Dahilan para mapa-atras sila at mapatumba.
Ngunit bigla akong hindi makagalaw ng maayos nang bigla na lang may sumakal sa leeg ko gamit ang kamay na malaki.
Buong lakas ko siyang siniko sa leeg, nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakasakal sa leeg ko ay mabilis akong umikot paharap sa kanya ay buong lakas kong sinuntok ang sikmura nito.
Naiinis akong isipin na balak pa yata akong patayin ng mga tauhan ng aking ama. Kaya bilang ganti ay agad akong lumapit sa lalaki at walang habas na pinagsusuntok 'to hanggang sa mapatumba siya at mapahiga ngunit dahil sa galit at emosyon na nararamdaman ko ay pinagsasapak ko ang lalaking walang kalaban-laban sa akin. Alam ko kasing masakit pa ang pagsuntok ko sa sikmura nito.
"Tama na po, Ma'am," wika ng ibang mga tauhan ni Ama.
"Sabihin ninyo sa aking ama na kahit magdala pa siya ng sangkaterbang tauhan hinding-hindi ako magpapatalo sa training na gusto niya!" Galit na saad ko sa kanila at naikuyom ang kamao ko.
Saka ko sila tinalikuran at naglakad palayo. Hindi naman nagtagal ay nakakita ako kabayo na puwedeng sakyan papunta sa paaralan na kung saan ako pumapasok. Bihira lang makakita ng tricycle o jeep sa lugar na ito. Mas lamang ang kabayo at kailangan pang magbayad para lang makarating sa pupuntahan.
Bago ako makarating sa university na pinapasukan ko ay pinahinto ko na ang kabayong sinasakyan ko sa tapat ng tindahan. Mabilis akong nagbayad sa lalaking may dala-dalang kabayo.Agad akong bumili ng isang stick na sigarilyo. Sinindihan ko 'to gamit ang lighter. At agad na humithit.
Nang makita kong nagtatakbuhan at nagmamadaling nagsipasukan sa loob ng gate ang mga kaklase ko ay mabilis kong itinapon sa kung saan ang stick ng sigarilyong hawak ko. At naglakad na rin papasok ng gate.
Saktong pasok ko sa gate nang may humarang sa aking daraanan na tatlong lalaki.
"Hi, magandang dilag, gusto mo bang sumali sa aming pangkat? Gusto ko ang dating mo at sa aking nakikita ay may ibubuga ka pagdating sa pakikipagtunggali."
Ngunit matalim ko silang tiningnan. Hindi ko sila gustong makasama. Lalo at humawak pa sa balikat ko ang isang lalaki.
"OPS! Huwag kang ganiyan. Hindi mo kami kaya," saad ng isang lalaking nakangisi sa akin.
"Tanggalin mo 'yang kamay mo sa balikat ko. Kung ayaw mong baliin ko 'yan!" galit na banta ko rito.
Ngunit imbes na tanggalin nito ang kamay mula sa akin ay mahigpit nitong hinawakan ang balikat ko at puwersahang idinikit ang katawan ko mula sa kanya.
Doon ay agad akong kumilos at mabilis na hinawakan ang kamay nitong nasa balikat ko. Napayuko siya at napasigaw dahil sa ginawa kong pagpilipit ng kanang kamay nito.
"Aray! Inay ko!"
Mabilis akong kumilos para umilag nang makita ko ang kasama nitong susugod sa akin. At Bago ko binitiwan ang kamay ng lalaking umakbay sa akin ay sinigurado kong namilipit siya sakit. Dahil binalian ko siya ng buto upang magtanda siya. Ngunit hindi pa ako gaanong nakakalayo nang biglang may yumakap sa akin ng mahigpit mula sa likuran.
Pilit akong nagpumiglas at kumawala. Buong lakas ko siyang binuhat at tumuko ako. Doon nga napabaliktad siya at sumubsob ang mukha sa lupa.
Dahil sa sobrang gigil ko't inabala ako ay agad akong pumaibabaw sa kanya at pinagsusuntok ko siya.
"Tara na, takbo!" Rinig kong saad ng ibang kasamahan nito. At nagsipagtakbuhan sila palayo.
Hanggang sa makarinig ako ng isang malakas na Pito at galing sa guwardya.
"Miss, Alpas! Ano'ng ginawa mo?!" Sigaw ng isang professor sa akin.
Bigla akong napahinto sa pagsuntok sa kalaban ko. Nakita ko rin ang mukha ng lalaking pinagsusuntok ko na duguan at walang malay. Agad din akong tumayo at napaatras ng bahagyan.
"Wala po akong kasalanan," mabilis na sagot ko.
Mabilis na hinawakan ng guard ang dalawang kamay ko patungo sa aking likod at nilagyan ng posas.
"Ipasok agad sa loob at huwag hayaang makalabas!" galit na utos pa ng professor sa guard na humila sa akin. Kung kaya nagpatianon na lang ako.
Nakita ko rin na pinagtulungang binuhat ang lalaking pinagsusuntok ko at dinala sa clinic namin sa loob ng university. . . At habang kinakaladkad ako ng guard papasok sa loob na patungo kung saan ay kitang-kita ko ang mga taong nasasalubong namin na pinagmamasdan ako. At puno ang mga mata nila ng pag-uusig na nakatingin sa akin.
Hanggang sa dinala ako sa isang silid at doon nga ay nakita ko ang Dean na nakaupo at may kasama itong professor na binubulunga siya.
Umupo ako sa harapan nila sa hindi kalayuang upuan.
"Miss, Alpas. Bakit mo ginawa 'yon?" Agad na tanong ng Dean sa akin.
"Wala po akong kasalanan. Pinagtanggol ko lang po ang sarili ko," mabilis na turan ko.
"Alam mo ba ang consequences ng ginawa mo?" Muling tanong pa ng Dean sa akin.
"Pero wala po talagang akong ginagawang masama. At lalong hindi po ako ang nagsimula ng gulo. Kahit itanong niyo pa po sa mga taong naroon!" pagdidiin na saad ko.
"Saka mo lahat sabihin 'yan. Kapag nakaharap na ang binugbog mo. At nakaharap na rin ang magulang mo!"
"Pero, Ma'am. Busy po ang magulang ko at hindi po sila makakapunta rito."
"Gawan mo ng paraan. Dahil kapag hindi mo pinapunta ang guardian mo rito. Hindi ka na makakapasok pa ng university na 'to." Istriktong saad ng Dean sa akin.
"Po-Po?" Hindi makapaniwalang saad ko.
"Patay! Sinong papupuntahin ko rito? Mananagot na naman ako sa aking ama." Nag-aalalang saad ko sa aking sarili.