KINABUKASAN kagaya ng nabanggit niya sa mga kaibigan dumating nga ang mga ito sa kanilang bahay ng bandang alas-diyes ng umaga.Kasalukuyang binibihisan ni Sav ang kanyang anak sa may kwarto nila ng marinig na nagkakaingay na sa kanilang munting sala.Binilisan na niya ang kilos ng marinig ang pagkatok ng mama niya sa pintuan at sabihin sa kanyang nandoon ang mga kaibigan niya.Nang matapos bihisan ang anak lumabas na din silang mag-ina sa kwarto habang buhat-buhat niya ang kanyang baby. Masayang mukha ng mga kaibigan ang sumalubong sa kanilang mag-ina paglapit nila sa mga ito.Tumayo ang mga ito at agad na lumapit sa kanila. "Ohhh..Emmm..Geee..ayan ba ang anak mo Sab?Ang gwapong bata!!"nakangiting tanong ni Amelia ng maupo na sila na mahahalata sa ekspresyon ng mukha nito ang mangha at gul

