"Anak" Nag-angat ng tingin si Savvy ng marinig ang boses na pagtawag sa kanya ng kanyang mama na may hawak-hawak na tray ng pang merienda sana.Tumayo siya at niyakap ang kanyang ina ng mailapag nito sa lamesa ang dala-dala. "Ma" Tanging nasambit ng dalaga sa kanyang ina habang yakap-yakap ito ng mahigpit. Hinagod naman ng kanyang ina ang kaniyang likuran para pakalmahin siya ng mag-umpisang mag-unahang pumatak ang mga luha niya sa mata."Ssshhhh..Tahan na anak bakit ka umiiyak?May problema ba?" mahinahong tanong ng mama niya sa kaniya kaya pinunasan niya ang mga luha ng kumalas sa pagyakap sa ina at humugot ng hangin bago binuka ang bibig para magsalita. "M-ma hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon!"humihikbi na saad ng dalaga sa ina na nababakasan naman ng pagtataka ang mga ma

