DALAWANG LINGGO na ang lumipas mula ng magising si Sav at sa nakalipas na araw naging maayos naman na ang kalagayan ng dalaga. Nabawi na din ang lakas iyon nga lang mahahalata pa din ang mga pasang napusyaw na ang kulay. Ang mga sugat na natamo naghihilom na din sa cream na pinapahid everyday. Dumating din sa ospital kung saan siya na admit ang mama niya at kung paano ito naabisuhan hindi niya alam.Hindi pa din kasi siya nagtatanong kay Valentine kung ano na nangyari tungkol doon sa insidenteng nangyari sa pamamahay nito.Madalas na ang binata at mama niya ang kasama sa ospital minsan nadalaw din ang mommy ng binata sa kanya pero hindi ito doon natutulog nauwi din pag kinagabihan. "Salamat ma, sino pong sumundo sa inyo?Paano niyo nalaman ang nangyari sa akin?Kumusta na po si Vallen miss k

