Bumaha ng alak sa resort at masaya iyong pinagsaluhan ng grupo nina Katallea. Kahit napipilitan lang at hindi komportable si Geo sa mga dating kaklase ay nakisama na rin siya dahil sa pamimilit ni Joey. "Inom ka lang, p're. Sulitin nating wala ang daddy mong hukluban," sabi pa ng kaibigan niya. "Joey, lasing na ako," tanggi naman ng binata ngunit panay naman ang lagok nito ng mga tagay sa kaniya. "Minsan lang ito, p're. Sa buong buhay mo, ngayon mo lang naranasan ito kaya sige lang p're." "Tama, uminom tayo! Magpakalasing tayo sa alak na ito!" Tumayo pa si Sandra at sumabay sa saliw ng musikang pumaimbabaw sa malakas na tawanan. Paunti-unti lang na sumisipsip ng alak si Katallea. Halos hindi niya bitawan ang kapatid na simula pa kanina ay nakakulong na sa mga bisig niya. Nararam

