Chapter 4

1027 Words
Picture-perfect. Gan'yan ko ilalarawan ang Victorian house na ipinapakita ni Trey sa akin. Bigla niya ako'ng sinundo sa Sweet Delights para lang dalhin ako sa magiging tirahan namin after our wedding. Bahay na magiging home namin. Bahay. Tirahan naming dalawa. Marami akong nababasa through social media and internet na isang Victorian house itong napili niya para sa amin. "Trey.." manghang napapalingon ako sa kabuuan ng buong Victorian house, doll-like in appearance. Bricks, balconies, curlicue trim, and fireplaces. Oo may fireplace. Parang modern like 19th century vibe mga. "Did you like it, Ash?" Inalalayan niya ako'ng makapasok sa mismong loob ng bahay. "I'll give you the privilege to do the interior design of our home, wifey." Inilibot ko sa buong paligid ang paningin ko. "I'm glad, nagustuhan mo.." natatawa si Trey sa reaction ko, para kasi ako'ng bata na nakakita ng doll house. Large stairways, windows, and curved walls. Perfect for my taste. Sana kay Trey din. Inaalalayan niya pa rin ako hanggang sa maka-akyat kami sa second floor ng aming humble home. "We have here, four bedrooms.." aniya, nangingiti siya habang pinagsasawa ko ang mga mata ko sa paligid. "Astrid, wifey.." "Oh.." nilingon ko siya. "You were saying?" Ngumiti lang siya sa akin. Napakunot-noo tuloy ako. "Trey!" mahina ko siyang siniko. "Nginingiti-ngiti mo d'yan?" He looked at me, straight to my eye. Oh, gosh that dark brown eyes. "I wasn't expecting that you will like it for the first time," he softly caressed my cheek, then he smiled. "Did I get it right, wifey?" Medyo natutulala na naman ako sa kan'ya. What the heck is he doing? "Astrid.." napabuntong-hininga siya. "You are doing it again, come.. let me show you to our master's bedroom." He grabbed my hand, as if he's used to do it. "Trey.." Lumingon siya. "Yeah?" Umiling ako. "N-nothing.." Huminto siya sa paghakbang para lang humarap sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Inilang hakbang lang niya ang pagitan naming dalawa. "Hey, wifey.." Sa kaba at taranta ko, napapaatras ako. Siya namang 'tong lapit nang lapit sa akin. Hanggang sa naramadaman na ng likod ko ang matigas at malamig na dingding. Nahigit ko ang aking hininga nang ikinulong ako ni Trey sa pagitan ng mga braso niya. Sobrang lapit niya sa akin, at tila ba sinasadya niya pa ang pagkatuliro ko. "You've been in my head since yesterday after our lunch date," he's too close, too near. Ramdam ko pati paghinga niya. "What did you do to me?" And he smell like.. sweet and spicy. I secretly inhaled his scent. I knew it! It's Tom Ferreon! if I'm not mistaken. Napapikit ako nang maramdaman kong magaang dumadampi ang daliri niya sa may bandang leeg ko. Paakyat sa pisngi ko at sinapo niya ang likod ng ulo ko. "Ash.." he said huskily. "Open your eyes, look at me.." I did what I was told. His dark brown eyes meets my black orbes. I gulped. "I'll asked you again, Astrid.." bumaba ang kamay niya sa batok ko, habang ang libreng kamay niya ay tila ekspertong pumulupot sa beywang ko. "Do you want to marry me?" I placed my hand in his chest just to keep a little distance between us. "Yes, Trey," halos pabulong kong sagot. A smile crept into his lips. "Good answer, wifey." Nang pakawalan niya 'ko, pakiramdam ko pati tuhod ay nanlambot dahil sa kan'ya. Mabuti na lang at naisandal ko pa ang sarili ko sa malamig na pader sa likod ko. "Dahil biglaan ang magiging kasal natin," patuloy ni Trey. "I made some arrangements with someone para asikasuhin ang paglipat mo dito." Tumango na lang ako. Ramdam ko pa rin kasi ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "I'm afraid you'll have to leave everything including your wardrobe in your grandma's mansion," he's trying to catch my eyes, but I tried not to. "After nito, we'll go shopping for your clothes." Napa-angat ako ng tingin. "Ano'ng sabi mo?" "Ash, I told you, I will take care of everything," aniya sa malambing na boses. "I just found out na ayaw mo naman pala ng mga ipinapasuot sa iyo ni Lola Hen." "Honestly, Trey.." napaisip ako. Yeah, for years hinahayaan ko si Lola Hen na magmando sa kung isusuot ko. I do love dresses and all, the shoes, the bags. Pero minsan nasasakal na ako. "I really appreciate your effort but you don't have to do this, sobrang gastos lang." Tinignan niya ako ng mataman. "Saka itong bahay," I managed to look at the whole area. "This house, it cost an arm and a leg." Mabilis niyang hinuli ang kanang kamay ko, para lang dampian niya ng magaang halik ang likod nito. Pakiramdam ko, bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko dahil sa maagang halik na 'yon. "Baka nakakalimutan mo, you are marrying Trey Santillan," he pulled some strands of my hair and he tuck it in my ear. "Please, don't forget about that, honey." Napalunok ako ng walang dahilan. Oo nga, I'm marrying one of the most sought after billionaire in town. He is Trey Santillan. "Okay.." umiling ako ng marahas para magising ako. "If that's what you like, I'm good." "How will you decorate our home, honey?" I looked at him closely. "Minimalist lang sana, ayoko ng masyadong maraming nakikita. Umiinit ang ulo ko." Sa mansion kasi ni Lola Hen, ang dami dami kong nakikita, although malinis naman ang malawak na mansion, hindi ko kinakayang tignan ang sobrang daming antigong figurines na nakabalandra na lang sa buong bahay. Malalaki, maliliit at mga iba pang kasangkapan na pawang basta lang naibigan ng aking abuela. "Alright, I'll hire an interior designer. Ikaw na lang ang makipag-usap.." "The kitchen? How about it?" tanong ko, nang pakiramdam ko hindi na 'ko nanghihina. Tumayo na ako ng maayos at nilampasan ko siya. "Which do you prefer? Home cooked meals or take outs?" "Do you cook, then?" I gave him my sweetest smile. "For you, I will." Bigla tuloy ako'ng nakaramdam ng kaba. "But don't expect na parang pang world class chef ang luto ko ah!" dagdag ko. He pinched my nose. "Don't worry, Ash. Hindi naman ako picky eater. As long as edible naman ang iluluto mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD