Automatic na napatingin ako sa may-ari ng baritonong boses na 'yon.
Oh my goodness. Napakurap kurap ako ng multiple times!
Hindi puwede ito. Hindi uubra ang set up na ganito!
"Good evening, Sir and Ma'am.." anito at nagmano kay Lolo Gio at humalik sa kamay ni Lola Hen, si Lola na tila kinilig pa yata sa gesture ni soon to be husband ko.
Nalukot pati intestines ko sa isiping iyon.
My gosh! Astrid!
Tila nag-slow motion ang paligid ko nang magtama ang paningin naming dalawa.
He's six feet tall, just right for my ideal type of a guy. Pero height niya lang ang type ko.
His jet black hair na nag-cocompliment sa kulay ng balat niya.
Broad-shouldered, mukhang elegante at may model type na katawan.
His deep brown eyes, proud nose and oh that lips..
Nasampal ko ng slight ang pisngi ko. Sheteng malagkit! Bakit pinupuri ko ang kumag na 'to?
"Astrid?" tawag niya sa pangalan ko. "Long time no see."
Ngumiti siya. 'Yung bang ngiting hindi mo mawari, ngiting gusto mong maihi dahil sa kilig.
Sinusubukan kong i-compose ang sarili ko bago ko harapin ang "stranger husband to be" na hindi naman pala stranger in the first place.
Umiinit agad ang ulo. Very wrong! Ekis! Mali!
"Astrid? Ayos ka lang ba, apo?" pukaw sa akin ni Lola Hen.
Bumilang ako ng sampu bago ko hinarap ang expectant na si Lola Hen.
"Yes, La. Okay lang po ako," saka ko binalingan ng tingin ang sanhi at ugat ng pagkainit ng ulo ko. "Trey.."
Napapiksi ako nang pumalakpak si Donya Viktoria Santillan, animo'y galak na galak agad sa unang batian namin ni husband to be.
"Now that we are all here," wika ni Donya Viktoria. "Ano'ng dinner natin, kumareng Henny?"
My Lola Hen, being herself gladly lead the way to our dining area.
Naiwan kaming dalawa ni husband to be sa malawak na receiving area.
"So.." panimula ni Trey buwisit Santillan. "Aren't you surprised? You looked like one, though."
"Aren't you pissed?" balik tanong ko sa kan'ya. "Bakit nandito ka?"
"Were you expecting someone else, then?"
Medyo masakit at matalas sa pandinig ko ang tanong niyang iyon.
"Kapag involved si Lola, lahat surprising! Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Because I was told to be here," his prominent features that can only be matched by his sharp tongue. Those deep brown eyes! Talaga naman! "And you?"
"Well.. in case you forgot, dito ako nakatira."
"Trey? Astrid?"
Sabay pa kaming napalingon sa tumawag sa amin.
Sinamaan ko ng tingin si Trey. How could he be so handsome and annoying at the same time?
"Come on, honey. We don't have all the time in the world, let's meet the oldies then get through with this."
Nagpatiuna siya sa paglakad papunta sa dining area. Habang ako nagngingitngit ang kalooban sa inis, sa gulat at sa samu't-saring emosyon na hindi ko naman dapat nararamdaman.
"So, when is the wedding?" salubong agad ni Donya Viktoria sa aming dalawa.
Hindi ko napigil ang pagsinghap sa pagkabigla. Straight forward si Donya Vicki.
"Mama Vi," nakangiting wika ni Trey sa kan'yang lola. "Can we talk about that later?"
"Oh, I'm sorry Trey," binalingan ako ng Donya. "Katarina, huwag ka sanang mabibigla."
"Nabigla na nga po ako, Ma'am," nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang umalpas sa bibig ko 'yon.
"Astrid," nagbabanta ang tingin ni Lola Hen.
Tinapunan ko ng tingin si Trey, nagpipigil siyang ngumiti, tumawa.
"I'm sorry po," naupo ako sa katapat ni Trey na ngayon ay sinusubukang ibalik ang tamang facial reaction. "Carried away lang po."
NATAPOS ang dinner nang matiwasay at puro ngiti, tawa ang mga nakatatanda.
Infairness kay Trey, magaling siyang magbato ng topic at nagagawa niyang ilihis ang usapan kapag nababanggit ang salitang kasal.
Which is very very very much appreciated. Nakakapraning kasi habang nilalantakan mo ang blueberry cheesecake ay bigla ka na lang hahainan ng "ano'ng gusto mong wedding dress?"
Bigla tuloy nawalan ng tamis ang cake na bin-ake pa naman ni Iris.
"Ash, can we talk?"
Si Trey 'yon, naglalakad papunta sa puwesto ko sa mini garden ni Lola Hen.
"Tungkol saan? Tapos na ba sina Lola mag-usap?"
Huminto siya sa harap ko, ilang hakbang lang distansya naming dalawa.
"I think they are planning for our wedding," namulsa siya. Yumuko, sinipa-sipa ang fake na bermuda grass. Saka siya tumingin sa akin. "Do you have any plans? Kapag kumilos na sila, wala na tayong magagawa."
"Hindi ka man lang ba tumutol sa kasal na ito?" balik tanong ko sa kan'ya.
"Kung alam mo lang kung ano'ng mga pinagdaanan ko maiwasan lang ang dinner na 'to," he scoffed. "You see, Astrid, I don't have any choice. My hands are tied."
"Mukha bang may choice rin ako?" ako naman ang sumipa-sipa pekeng bermuda grass. "We both don't want to disappoint the elders, and another case for you, 'yung company ninyo."
"I don't want to take over the company, but here I am, look what I'm doing. I am forced to marry you just because of that responsibility."
"And I am forced to marry you because my grandparents told me so," sinegundahan ko siya. "Trey, you don't know me and you don't even have the ounce of interest in me, you can ask your parents about this. Huwag nating gawing miserable ang isa't-isa."
"Honestly, even my parents are into it. They are going to cut ties even disinherit me if I don't marry in an instant," tinignan niya ako ng matamang. "You don't know me too well, Astrid. We both know each other by our names. But atleast, try to convince your grandparents to cancel our wedding."
"Impossible mangyari 'yon," naiiling na lang ako. "Matigas si Lola Hen pagdating sa desisyon. At minsan sinubukan kong tumanggi o umayaw, ang dami ko na agad naranasang hindi kanais nais."
"Don't you have a boyfriend?" he asked.
"You? Don't you have a girlfriend?"
"I don't do girlfriends, Ash," ngumisi siya na parang nasisiraan na agad rin namang nawala. "Masyado ako'ng abala sa pagpapatakbo ng kompanya."
"Oh, right. Just right. How can I forget that?" tinigilan ko ang paglalaro sa pekeng bermuda grass. "The ever ruthless, Trey Santillan of Santillan Group of Companies."
"We have to sort things out, Ash."
"I know," lumingon ako sa mga papalabas sa front door namin. "Can you pull some time? Magreason out ka ulit."
"Let's talk about it tomorrow," aniya. Nilingon rin ang tinitignan ko. "Saan kita susunduin?"
"Sa shop na lang, sa Sweet Delights," papalapit na sina Lola Hen at Donya Viktoria sa amin. "Or magkita na lang tayo sa Silver Plates, siguro naman kaya mong lumusot for lunch?"
"Alright, sa Silver Plates."