NAKAHANDA NA akong umuwi ng Pilipinas. Nag insist si Ruwi na ipapahatid niya ako kay Raizen hanggang sa maka uwi ako sa Pilipinas. Aayaw sana ako dahil kalalabas lang ni Raizen sa hospital at baka mabinat. Pero makulit talaga si Ruwi at pinagbantaan pa si Raizen pag hindi ako naihatid ng maayos sa Pilipinas. Umalis narin si Ruwi kanina kasama si Salem na isa palang doctor. Nagpasalamat din ako kay Ruwi dahil kahit sandali lang kami nagkasama ay hindi niya ako pinabayaan habang nandito ako sa Spain. May sinabi siya sa 'kin na ibang lenggwahe ang ginamit kaya hindi ko maintindihan basta narinig ko lang ang pangalan ni Nuroi. Nandito na kami ni Raizen sa private plane ni Ruwi, kami lang dalawa ang nandito habang nakaupo. Hindi naman kami magkatabi may pagitan ang upuan namin. Nakita

