Naghihintay siya sa oras. Pero sa bawat galaw ng orasan, sumidhi ang damdamin niyang iwasan si Rowena. Nanubig ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Gusto niyang lapitan si Rowena at yakapin, pero hindi niya alam kung bakit si Jowee ang nilapitan niya sa oras na 'yon at hinila paalis sa lugar na 'yon. Hindi niya alam. Siguro ay masyado siyang nagulat sa sinabi nito noong isang linggo sa kaniya. Hindi niya lubos akalaing magkakagusto si Rowena sa kaniya, gayo'ng tinuring niya itong nakakabatang kapatid na babae. Ayaw niyang iwasan ang babae. Pero hindi niya kayang lumapit dito. Para bang may pader na nakaharang sa pagitan nilang dalawa matapos nitong magtapat sa kaniya. At hindi niya gusto ang pakiramdam na 'yon. Pero sa tuwing iniisip niyang lumapit kay Rowena ay para bang may h

