20

2111 Words
I gave birth to a baby boy. A bouncing baby boy. I never thought that giving birth is like a hell. Halos sumuko na ako habang umiere, that even my attending Doctor wanted to CS me. Mabuti na lang nasa matinong pag-iisip pa ako noon at sinabing kakayanin ko pa. Kung hindi na, sasabihin ko namang suko na ako. After that hellish situation, I promised myself that no more pregnancy for me in the future. Hindi ko nga lang nasabihan si Fado na tuwang-tuwa pagkatapos ng tatlong buwan. I’m so overwhelmed! After resting for 1 month we decided to baptize baby Darvian. Syempre bumisita si Mama at Papa, ngayon na hindi sila nakabisita noong nanganak ako. Emergency kasi kaya ngayon lang. At ang masaya pa ay kasama din nito ang mga kaibigan ko. Kompleto silang lahat at tuwang-tuwa pa sa anak ko na mukhang kikidnapin pa yata. Gwapong-gwapo kasi sila dito, namana daw ni Darvian ang kulay ng balat ko at obvious na si Fado ang kamukha ng bata. Good combi nga raw. And we only became silent when Aunt Sheen visited me in the hospital with a basket of fruits. Parang biglang dinaanan ng pagkakailang nang makita nina Papa’t Mama si Aunt Sheen na nakangiti naman. Kung hindi pa binasag ni Fado ang katahimikan, I’m sure hindi matatapos ang awkwardness. They’re full of joy but I know so much that Fado is the most happiest person at that moment. One time while we were watching Darvian getting some sleep, ay nasabi nito ang tunay na nararamdaman. “I’m the happiest man on earth, Aiv. Hindi ko naman pinangarap ‘to pero alam mo bang dinasal ko kagabi ang sobrang pasasalamat? You two give me joy, that sometimes I wonder what things did I do to deserve this. Puro kataranduhan lang naman ang ginagawa ko noon. I bedded a lot of girls and no one give me so much joy until you came. Thank you Aiv.” Naluha tuloy ako. Ang touching nito at nakakainis dahil pinapalambot niya masyado ang puso ko na parang nahuhulog na rin sa kanya. Sa loob ng isang taong pagsasama, masasabi ko talagang hindi nagbago si Fado. He’s so caring and he always made sure that both his wife and son are living a good life. Sabi nga niya tumigil na muna ako sa pagtuturo dahil parehong kailangan ako ng mag-ama ko. I understand... but then teaching is also my passion. At kahit siguro maging ina at asawa ay hindi ko malilimutan iyon. And in the end we both decided to let me teach, basta ba ilaan ko muna daw ang limang buwan para sa kanilang dalawa. Which I understand. Ngumiti ako habang hinahayaan na halikan ni Fado ang batok ko hanggang likod. At pababa pa... ito ang unang gabi na nilipat na namin ng higaan si Darvian. We decided to build him a small bed, malaki at malusog na bata si Darvian and Fado wants his son to be independent. Minsan ay pinag-awayan namin iyon, ano naman kasing malay ng maglilimang buwang bata? Kaso, iba pala ang plano. Horny na naman daw. “Fado!” Saway ko dito nang tinulak nito ang likod ko para mapadapa at siyang angat sa pang-upo ko. Halos mahulog ang mga mata ko sa gulat. Lagi lang naman akong nakapatong noon o kaya nakahiga kaya nagulat ako sa pinaggagawa ni Fado na alam kong may susubukan. “Mommy, wag kang matakot... magugustuhan mo ‘to.” Inuuto niya ba ako? Kaso mukhang ito lang ang pang-uuto na nagustuhan ko. I writhe as I was drown on my own desire. At ewan ko kung paano nitong nagagawa na panginigin ang kalamnan ko at panigasin din ng daliri sa paa... until I lost my consciousness. Alam na alam nito... Kaya halos mahulog ang puso ko habang nakaupo sa bamboo chair at nasa labas kami ni Darvian at pinapanood ang malawak na kalangitan. We’d waited for him until he came home with our presents... tapos ewan ko ba kung paanong sumama ang pakiramdam ko kinagabihan. Sinisisi ko ang kinain because the next day Fado had to stay in his house to take care of Darvian. Mas lumala ang lagnat ko at pati siya ay natataranta, mabuti na lang kinagabihan umokay-okay na ako. But then bumalik na naman kinabukasan. I can see that Fado can’t even take his eyes from me. Kahit nasa bisig nito si Darvian, naglalaway habang kinakagat ang isang baby toy... mukhang ipapaadmit ako nang napag-isa kami. “I’m fine, I think I’m okay now. Just let me eat.” Sabi ko naman magiging okay ako, and it was indeed. Kaso habang pinapaliguan ko si Darvian ay para akong namumutlang napatitig sa sariling repleksyon. Obvious sa ilang pad na kahit isa ay walang bawas. Kabado ako. What if I am pregnant again? Ano na lang— Bumuntong hininga ako habang nakaupo sa inidoro. Nasa labas si Fado at binabantayan si Darvian. He has no idea that I bought myself 3 PTs last day after buying some important needs. Duda talaga ako eh, at halos manghina ako nang makita ang dalawang guhit. The first one was a fail, I tried again because I have a strong feeling... and I am right, the two PTs say it all. Nanginginig pa ako at lumapit kay Fado na nanonood ng basketball... Nasa gilid niya si Darvian na inaalalayan ng kamay niya. “Fad...” nahihiya pa ako nang ipinakita sa kanya iyon. He was clueless, until his face lightened up at the sudden news. I think he’s pleased... and me, I don’t know. Simula kasi nang pakiramdam ko ay maayos na ako ay naging active kami sa s*x. I don’t remember those nights that we’re both behaving. Basta lumala pagkatapos ni Darvian, kunting kalabit lang nito umuungol na ako at hinahayaan siya. It’s just that... it was really addicting. Lalo na kung si Fado ang kaulayaw... talagang, abot hanggang langit ang sarap. “My God! Darvian is just 5 months!” At lumala ang away ng tumungtong sa first trimester ang nasa sinapupunan ko. Why do I have to suffer like this? Siya naman ang mas higit na may alam sa amin pero bakit hindi niya naisip ‘to? “Aiv, calm down. Pag-usapan natin sa mas mahinahon na paraan.” Abot nito sa akin. Iwinaksi ko nga at lumapit kay Darvian para umalis doon. Nasasakal ako. I don’t know why it felt like that. Ngayon pa talaga na may anak na kami. Parang kakaumpisa pa nga lang ng buhay ko e ganito na kaagad. Malaking responsibilidad. I need a fresh air to breath. “Aiv,” halata sa boses nito ang pag-aalala. Napaupo ako at tumitig sa unahan. It is the same view I had every morning. Tapos ang masaklap parang paulit-ulit na lang... that I started to feel bored. I treated him casually. Or sometimes cold. Talaga... ewan, I felt bored. That I think of home... Gusto kong umuwi. Hindi na yata nakatiis si Fado at kinagabihan ay niregaluhan ako ng dinner, doon lang sa bahay since we have a baby at alagain pa. And then he asked what’s really my problem. “Gusto ko munang umuwi...” Halatang ayaw nito sa ideya ko. Tumigil na ako sa pagtuturo, sabi kasi ng OB kailangan ko ng pahinga ngayon. Though healthy naman ang bata, hindi kasi tama na napapagod ako. And thinking about not teaching for a year or so... mas lalo akong tumatamlay. So I asked this... and I think he hates it. Siya na naman ang naging malamig. Hindi ko maintindihan kung bakit nananatili kami dito kung pareho naman kaming nagpapataasan ng ihi? I understand if he’s being cold, makulit ako. “Fad, gusto ko munang umuwi. Isasama ko si Darvian. Isang buwan lang naman.” Tinitigan lang ako nito... ilang minuto pa siyang tumitipa sa calculator hanggang sa bumuntong hininga ito at tumitig sa akin na hindi pa rin natitinag sa pagtayo doon. “Okay, ihahatid kita...” Yes, of course! Ihahatid mo talaga ako. Tuwang-tuwa sina Mama at Papa, pati ang mga kapatid ko na lalong naaliw kasi magiliw na magiliw kay Darvian. Kaya lang halatang pinagduduhanan ni Mama ang tiyan kong medyo umuumbok na nga. “Dito muna ako Ma, until next month.” Sabi ko dito. Miss na miss ko ang panlalambing nito sa akin. In the past months, I think I was forced to become matured. Syempre hindi na ako dalaga, may anak na... at magiging ina pa ng dalawang anak. How did it happen? The next day, I was surprised by my friends’ visit. I feel alive... this is what I was talking about as breathing. Hindi iyong nasasakal ako sa apat na sulok ng bahay na yon. Ang dami ngang bumisita. Hanggang alas siete ng gabi ang dating ng mga kamag-anak at kaibigan sa tatlong araw na iyon. I feel alive... yes I am alive. “Aiv, pwede bang akin na muna ang buong araw mo bukas?” Bulong nito habang humihigpit ang kapit sa tiyan ko. Feeling entitled! Naiinis ako dahil parang pati ang buhay ko dito ay gusto nitong agawin. Kung nababasa lang nito ang nasa isipan ko, siguradong itutulak ako nito palayo sa kama. I didn’t answer him. Tinulugan ko. At kinabukasan nagulat ako kasi may schedule siya ng mga dapat naming gawin. Kasama si Darvian. Family bonding daw. Isang matalim na titig ang binigay ko rito na ikinakunot noo nito. May lakad ako. “What?” Medyo tumaas ang boses nito nang sumunod sa akin paakyat sa ikalawang palapag. I had my breakfast, hiniram nina Papa si Darvian... and I am planning to take a bath. “May lakad ako with some friends, Fad... kaya pwede ba, cancel whatever you have there.” “Aiv, we’d talked! Diba sabi ko sa’yo bigay mo na sa akin ang araw na’to? Kailangan kong umuwi bukas dahil may problema sa shop...” Umismid ako at nagdadabog na binuksan ang closet tapos padabog ding sinirado. Lumipat ako sa kabila at naghanap ng short but seeing them, I think hindi na kakasya kaya padabog ko na namang sinarhan. Halos mabingi na ako, pero si Fado sunod pa rin ng sunod. And I’m heating up. I’m beating the s**t out. “Aiv, galit ka...” sabi nito. Enough para sumabog ako. Galit talaga!! Who the heck is he? Siya lang ang nakabuntis sa akin but he has no right to jail me in his 4 corners house! Akala mo naman... “E di umuwi ka! Maiiwan kami ni Darvian dito... at di ko alam kung kailan ko gugustuhing umuwi sa’yo. So please, just leave me alone.” Iritadong sambit ko. Pansin kong natigilan ito, binaliwala ko at pumasok ako ng bathroom. Maliligo ako, mamasyal... at uuwi kung kailan ko gusto. Naramdaman kong bumukas ang pintuan. I was showering... at naiinis na tinitigan ko ito nang masama ng sumunod sa akin doon. He’s fully naked and was now staring at my drained body. Particular doon sa puson. Gustong lumandi! s**t! Binilisan ko ang kilos at gusto pa yatang pigilan ako kaso natigilan din siya ng tinuro ko ang puson. Baka nakakalimutan niyang buntis ako at masamang pinipilit. He had no choice but to let me have fun that day. Pagkauwi kinagabihan sinabihan na lang ako ni Mama na umuwi si Fado. Iniwan niya kami ni Darvian... that doubled my anger for him. Akala mo naman... I started craving for foods, unusual foods. At tuwing umaga ang lalaki ng mga eyebags ng mga kapatid ko. Wala akong mapag-utusan... e mahal na mahal nila ako kaya ganoon. “Aiv, umamin ka nga... are you...” buntong hininga ni Mama at tinuro ang tiyan ko. That made all the family stop from watching this sports. “Yes Mama, I’m 2 months pregnant.” Baliwala ko at pinapak ang chips na binili nila Kuya kanina. Suminghap lang sila at nagtanong kung alam ba daw ni Fado. Tumango ako, wala sa sarili at tuwang-tuwa dito sa isang mexican na siyang sumipa ng bola. Nakakainis. I’m having the best time of my life in two weeks. Hindi ko masyadong iniisip si Fado kahit na nakukulitan ako sa oras-oras nitong pagtawag. Parang hindi mapakali. Nabubwiset ako. Hindi sana ako uuwi kung hindi ko lang narinig ang hagikhik ng isang co-teacher. Saying that I should really go home. “Nakita ko ‘nong isang araw hinatiran si Fado ng pagkain! Di lang simpleng pagkain! Ulam, Aiv! Ulam. Pagkatapos kanina nakita ko namang may bitbit ng meryenda at mukhang gustong papakin ang abs habang nakahubad iyong isa. Diyos ko, umuwi ka na kaya! Chinichismis na sila!” Buwiset na yon! Hinahighblood ako. At sino naman itong Angela?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD