"Mahal ko sa wakas, gising ka na," mahinang wika ni Jonathan nang imulat ni Caroline ang kaniyang mga mata. Napapapikit pa siya dahil sa liwanag ng ilaw sa silid na iyon. Pilit niyang inaalala ang huling nangyari bago siya nawalan ng malay. At kumulo kaagad ang dugo niya sa inis nang maalala ito. "Mahal ko, buntis ka.... magiging daddy na ako. Magiging magulang na tayo..." naluluha sa tuwing wika ni Jonathan. Matalim siyang tinititigan ni Caroline. "Ganoon ba? Paano pala iyan, magiging kawawa lang ang anak ko sa iyo dahil umpisa pa lang, niloloko mo na ako. Ang kapal din ng pagmumukha mo 'no? Hindi ka na nahiya sa akin. Nangako ka sa akin na ako lang ang mamahalin mo pero ano? Niloko mo lang din ako. Pare- parehas kayong mga lalaki. Mga sinungaling! Mga hindi makuntento sa isa!" naluluh

