“Nasaan ang ulam na niluluto mo para sa akin?” Kumunot ang noo ni Jonathan. "Ha? A- Akala ko ayaw mo eh.." Inirapan siya ni Caroline. "May sinabi ba akong ayaw ko?" Hindi alam ni Jonathan kung ano ang ire- react niya sa sinabing iyon ni Caroline. Akala kasi talaga niya, ayaw ng dalaga ang niluluto niyang pagkain. Hindi naman kasi nagsasabi sa kaniya si Caroline na ipagluto siya ulit. Kaya naisip niyang baka naiirita lang sa kaniya ang dalaga kaya tumigil na lang siya pagbibigay ng niluto niyang pagkain. Ayaw niya kasing mainis pa sa kaniya si Caroline lalo pa't kinukuha niya pa ang loob nito. Gusto niyang matuwa sa kaniya ang dalaga kahit na hindi iyon aminin sa kaniya. "Eh kasi... hindi ka naman nagsasabi sa akin na gusto mong ipagluto kita. Syempre, ayokong naiinis ka sa akin. Ayokon

