"Ano? Gusto mo bang makita? Magsabi ka lang. Doon tayo sa kuwarto. Ipapakita ko sa iyo kung gaano ito kalaki. Syempre, pati ang sukat nito ay nakalimutan mo na rin," nakangising sabi ni Clyde. Hindi pa rin nakasagot si Cara. Nakatulala pa rin siya sa kanyang asawa bago makailang ulit na lumunok ng kanyang laway. Hindi niya akalain na sasabayan ni Clyde ang pagiging maloko niya. Sinusubukan lang naman niya ito. Pero kumagat naman ang kaniyang asawa. "P- Puwede ko ba talaga m- makita? Hindi ba nakakahiya iyon?" paninigurado niya. Natatawang kumamot si Clyde sa kaniyang ulo. Tawang- tawa siya sa kanyang asawa. Para itong inosenteng hindi maintindihan. Inosenteng pilya ika nga. Sa katunayan, noong magtabi sila sa kama, parang gusto na nga niyang angkinin ang kaniyang asawa. Lalo pa't sabik

