"Anak... mayroon ka pa ba diyang extra? Pambili lang ng gamot ng papa mo. Panay ang ubo niya. Tapos sumasakit pa ang tagiliran..." wika ng kaniyang ina mula sa kanilang linya. Napakamot ng ulo si Jonah. Ang buong sahod niya ay pinadala niya sa pamilya niya para may panggastos ito. Ngunit dahil may sakit ang kaniyang ama at may kalakihan din ang kaniyang pamilya kaya mabilis lang maubos ang pera na naibibigay niya lalo pa't nag- aaral pa ang kaniyang kapatid. "Sige po, mama magpapadala po ako mamaya, ha? Busy lang po ako sa work ko now," aniya bago tiningnan ang natitira niyang pera sa wallet. Hindi kasi siya nanghihingi ng pera kay Justine. Ayaw niyang maisip ng kaniyang nobyo na katulad siya ni Karen. At isa pa, hindi talaga siya mahilig manghingi. Hindi niya inaasa ang problema niya s

