Chapter 5

1766 Words
Isang Gabi pagkatapos malaman ng pamilya ko ang lahat lahat ay nag pasya si Natalia na sa bahay mag sleep over!!!! Kailangang kailangan ko nang kausap ngayon sobrang naguguluhan ako, Sobra. "Uy, seryoso nga pala, ‘di ko pa naririnig sa’yo diretso… kayo na ba talaga ni Kael?" Biglang tanong ni Natty , Nasa kwarto ko kaming pareho. Napatingin ako sa kisame, tahimik muna bago ako tumango ng marahan "Oo, kami na." Napabangon bigla si Natty, halatang nagulat sa narinig. "Ha?! Wait—wait lang. Kailan pa?! Grabe, Saph… hindi pa nga kayo nagkakilala ng isang buwan, tapos kayo na agad?" "Alam kong mabilis. Pero… parang iba ‘yung connection namin. Ramdam ko agad. Tapos… may nangyari na rin." "As in… may nangyari na? Saph, ibinigay mo na agad ‘yung sarili mo?" Nanlalaki ang mata niya na halos hindi maka paniwala! "Oo… ayoko na sanang sabihin, pero hindi ko rin kaya itago sa’yo. Nangyari na nung isang gabi, sa apartment niya. Hindi ko naman planado. Pero… gusto ko rin kasi. Mahal ko siya." Walang nagawa ang kaibigan ko kundi ang mapahawak sa noo, halatang nag-aalala sa sitwasyon "Saphira, grabe ka. Hindi mo pa siya kilala ng buo. Hindi mo alam kung anong klase siyang tao. Tapos ganyan agad?" "Alam kong mali. Alam kong mabilis. Pero Natty, sa oras na ‘yon… ramdam ko na mahal niya ako. Pinaniwala niya akong ako lang." "Hindi ako galit, Saph. Pero natatakot ako para sa’yo. Baka masaktan ka. Baka gamitin ka lang niya. Lalo na’t ang tanda niya sa’yo." "Alam ko. Pero huli na, eh. Andito na ako. Kaya sana… kung mangyari man na masaktan ako, alam kong n’andyan ka pa rin." nangingilid ang luha ko. "Oo naman, Saph. Kahit anong mangyari, kakampi mo ako. Pero sana, huwag mong isuko agad ang lahat sa lalaking hindi pa buo ang tiwala mo. Mahalin mo rin sarili mo, ha?" "Sinusubukan ko, Natty. Pero ngayon… mahal ko siya." mahina pero totoo ang sagot “Kahit pa hindi ko alam kung kami pa!” Malalim na napabuntong hininga ang kaibigan ko. °°°°°°° 1 Month Passed (Saphira’s POV) Simula nang gabing iyon sa park… Parang may hindi na bumalik. Oo, tumatawag pa rin si Kael. Nagte-text pa rin. Pero hindi na madalas. Hindi na gaya ng dati. Kung noon, siya ang unang bumabati ng “Good morning, Little Star,” ngayon ako na ang nauuna. Minsan, wala pang sagot. “Busy lang siguro,” bulong ko sa sarili ko. “Baka may inaasikaso lang siya, At tatawag din kalaunan!” Pero hanggang kailan ko ba ‘yon kayang paniwalaan? Minsang nag txt ako sakaniya ayan ang kadalasan niyang reply.... “Hi love, call kita later, ha?” “Sorry, may meeting ako ulit. Next week, free na ako, promise.” “Inaantok ako, bukas na lang tayo magkwentuhan, okay?” Paulit-ulit. Paikot-ikot. Palamig nang palamig. At ako? Parang araw-araw akong namamalimos ng atensyon. Pinipilit kong intindihin. Pinipilit kong maghintay. Kasi alam kong kami pa rin. Kami pa rin, ‘di ba? Pero bakit parang ako na lang ang may alam no’n? Isang gabi Mag-a-alas dose na. Nakatulala ako sa kisame habang nakayakap sa kumot. Wala pang reply si Kael sa huling text ko. “Miss na kita, tawagan mo naman ako?” Sent: 9:08 p.m. Seen: None. Tinawagan ko siya. Rinig ko lang ang voice prompt: “The number you dialed is unavailable.” Napapikit ako. Pinipigilan ang luhang gustong kumawala. Ano bang nangyayari sa atin? Hindi naman siya nagyabang. Hindi rin siya nanakit ng salita. Pero mas masakit pala ‘yung unti-unti kang kinakalimutan… nang hindi mo alam kung bakit. Kinaumagahan, Sa bakery, kasama ko si Natty “Nagkita kayo ni Kael nitong linggo?” tanong niya habang tinatanggal ang gloves sa kamay. “Hindi eh,” sagot ko. “Sabi niya busy siya. May inaasikaso raw.” “Lagi na lang bang busy? Nako baka may iba na yun, No wonder matanda na kasi!” Sabay smirk ng best friend ko. “Ano ba, he's just 27, Hindi pa matanda yun!” Pag tatanggol ko. “Ewan ko sayo, Mag isip ka, Malapit na ang pasukan natin kaya umayos ka! S-Saka may nangyari na sainyo kaya dapat panagutan ka niya!” “Ano kaba! baka iniisip mo na buntis ako! Hindi naman siguro!” Pag tanggi ko. “Maloloka na ata ako sayo!” Wika ni Natty. Hindi ko na sinundan pa ang usapan. Kasi baka mapaiyak lang ako sa harap niya. At ayokong makita niya akong ganito—na ako ‘yung mas umaasa, Na ako ang oarang nag hahabol! maya maya ay nag ka yayaan na kaming umuwi, lulan nang jeep, Binuksan ko ang chat namin ni Kael, Binasa ko ulit ‘yung mga luma naming messages. Dati ang dami naming usapan. Dati kahit walang sense, kwento lang nang kwento. Dati ang sarap balikan. Pero ngayon, puro “kamusta ka?” at “ingat ka” na lang ang palitan namin. Wala nang “anong kinain mo?”, wala nang “picturan mo sarili mo, miss na kita.” Wala nang “I Love You!” Parang unti-unti siyang lumalayo sa mundong binuo namin. At ngayong ako nalang ba amg aasa? °°°°°°° Sa kama bago matulog Ini-scroll ko ang gallery ko. Picture namin noong unang date. ‘Yung hawak niya ang kamay ko, may milk tea sa mesa, may ngiti sa mata niya na para bang ako lang ang mundo niya noon. Biglang bumigat ang dibdib ko. Mahal mo pa ba ako, Kael? Hindi ako makatulog. Kasi kahit walang sinabing masama... kahit wala kaming away... Ramdam kong may mali. Hanggang sa Ilang araw pa ang lumipas Ilang araw na rin akong hindi tinatawagan ni Kael. Minsan may reply, minsan wala. Minsan online siya pero hindi ako ang kausap niya. At ako? Andito. Palaging naghihintay. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na okay lang. Pero hindi talaga okay ‘yung feeling na parang ako lang ang may hawak sa relasyon namin. Hindi naman kami nag-away. Hindi rin siya nagpaalam. Pero parang siya ‘yung unti-unting lumalayo, habang ako ‘yung pilit pa ring humahabol sa taong palayo na ng palayo. °°°°°°° Isang gabi, sa kwarto Hawak ko na naman ang cellphone ko, ‘di ko na alam kung pang-ilang attempt ko na to. Laging may draft akong message na hindi ko maipadala. “Kael, okay pa ba tayo?” “Miss na miss na kita.” “Mahal mo pa ba ako?” “Kasi ako Sobrang mahal na mahal kita, Binigay ko naman sa iyo ang lahat, Pero bakit ganiyan ka!” Binubura ko rin. Paulit-ulit. Parang pride kong pilit kong iligtas sa konting dignidad na natitira sa akin. Kasi kung may mali man, ayoko naman agad ako ‘yung magmukhang desperada. Pero mahal ko siya. Kaya kahit pa sabihing nakakahiya, nakakababa ng sarili, kahit pa sabihin ni Natty na “Baka hindi na worth it,” ako pa rin ‘yung sumusubok. Ako pa rin ‘yung pilit na umaabot. °°°°°°° 10:04 pm hindi ko parin matiis ,nag type ako at agad na sinend kay Kael “Hi love. Can we talk?” Wala pang sagot. Nag-antay ako. Isang oras. Dalawa. Nakalipas na ang hatinggabi. Nakapikit na ako pero hindi pa rin tapos mag-ingay ang utak ko. “Anong mali sa akin?” Baka nagsawa na siya. Baka may iba na siyang nakakausap. O baka… hindi niya lang alam kung paano ako iiwan. Kasi minsan, ‘yung mga hindi nagsasabi ng “ayoko na,” sila pa ‘yung marahas sa katahimikan nila. °°°°°°° Isang umaga nanaman ang nagdaan, Sobrang pangungulila na talaga ang pilit kong hindi pinapansin sa dibdib ko Narito kami ngayon ni Natty sa convenience store sa tapat ng kanto “Saph, okay ka lang ba talaga?” tanong ni Natty habang kumakain kami ng siomai rice. “Okay lang,” pilit kong sagot. Pero kita niya. Kita niyang may pinipigil akong luha. “Hindi na siya ‘yung Kael na kinikilig ka tuwing naaalala, ‘no?” Tumango lang ako. Wala akong salitang lumabas. “Kung gusto mo, samahan kita. Harapin mo siya. Tanungin mo nang diretsahan.” Napatingin ako kay Natty. Kinilabutan ako. Kasi matagal ko nang gustong gawin ‘yon. Pero natatakot ako. Takot akong makumpirma ang matagal ko nang nararamdaman: baka ako na lang ang nagmamahal. °°°°°°° Dito kami unang nagkita pagkatapos ng entrance exam ko. Dito niya ako binati. Dito niya ako hinalikan sa noo. Dito niya ako pinangakuan na “ako lang.” Ngayon, ako lang ang narito. Nagtext ako sa kanya. “Nandito ako sa mall, Rooftop. Pwede mo ba akong puntahan manlang?” Wala pang limang minuto, nag-online siya. Pero hindi siya nag-reply. Nag-antay ako. Nakaupo ako sa bench. Bitbit ang coin purse na may singsing. Hawak ang pendant na may lock. Alas otso. Alas nuwebe. Alas diyes. Giniginaw na ako. Umiihip ang malamig na hangin sa balat ko, pero mas malamig ‘yung nararamdaman ko sa puso ko. Walang dumating. Walang sagot. °°°°°°° Pag-uwi ko, umiiyak ako nang walang tunog. Baka tulog na si Mama, baka marinig ako ni Kuya. Kaya tinakpan ko ng unan ang bibig ko habang pinipigilan ang paghikbi. Ang sakit pala ng hindi iniwan, pero pinabayaan. ‘Yung hindi sinabi kung bakit. Hindi nilinaw kung ano. Pero ramdam mong may kulang. Ramdam mong hindi ka na pinipili. Kinabukasan, sinubukan ko uli. Nag-message ako kay Kael. Pinilit ko maging kalmado. Maayos. Hindi demanding. Hindi mapilit. Pero totoo. “Kael, gusto ko lang malaman kung may problema ba sa atin. Kung may nagawa akong mali, sabihin mo. Kung may pinagdadaanan ka, andito lang ako. Pero sana, huwag mo akong bitawan nang hindi ko alam kung kailan ka bumitaw.” Wala pa ring sagot. Pero online siya. °°°°°°° Alas dose ng gabi, nakahiga na ako. Nakatalukbong sa kumot. Pumikit ako nang mariin. Ayoko nang magalit. Ayoko ring mangulit. Pero sa mismong oras na ‘yon, ang tanong ko na lang… Paano kung ako na lang talaga? Ako na lang ang kumakapit? Ako na lang ang umaasa? Ako na lang ang umaabot sa ating dalawa? At kung totoo nga ‘yon… Kailan ako bibitaw? At sa katahimikan ng kwarto, tanging tanong lang ang paulit-ulit sa isip ko: Ako na lang ba ang may hawak sa relasyong ‘to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD