Nasa kusina ako. Mag-aalas siyete pa lang ng gabi, pero madilim na ang langit. Malamig ang hangin na sumasayaw sa kurtina, pero mas malamig ang pakiramdam ko. Wala pa rin si Kael. Sabi niya may family meeting daw. Tinawagan siya ng mommy niya. Alam ko dapat, wala akong dahilan para magduda. Pero bakit ganito ang kaba sa dibdib ko? Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahalo ang nilagang baboy. Sa bawat tik-tak ng orasan, parang pinaparamdam sa’kin kung gaano ko siya hinihintay. Ilang beses ko nang chineck ang cellphone ko—walang mensahe. Walang tawag. Walang kahit ano. Napabuntong-hininga ako, saka tumawag. “Kael? Nasaan ka na? Sabay tayong kumain, ha? Nilaga ’yong ulam…” Pilit kong pinatamis ang boses ko, pero hindi ko matakpan ang kaba. “Okay. Pauwi na—” sagot niya. Pero may suma

