Sweet's POV Maaga akong nagising kinabukasan. Nag-unat ako ng katawan saka nagsimulang mag-asikaso. Malaki ang kwarto na kinalalagyan ko. May queen-sized bed sa gitna at may built-in closet pa. Pero hindi ko ginamit iyon, pinanatili ko lang 'yong mga damit at iba ko pang gamit sa bag ko. Nakakahiya naman kung gagawin ko 'yon. Malapit sa kama ay isang vanity table. May maliit ding mga cabinets and what makes this room comfortable ay may sariling bathroom. Hindi na ako mahihiyang kumilos-kilos unlike kung sa ibang parte pa ng mansiyon ako gagamit non. Matapos mag-asikaso ng sarili, lumabas ako upang maghanda ng almusal. I don't know if Sir Lennox will eat here but I still want to ready it. Wala akong nakitang bigas. Hindi gano'n karami ang goods at parang hindi naman nagluluto si Sir. M

