Chapter 2

1948 Words
Sweet's POV Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Puti ang dingding sa bandang kanan ko, at puti rin ang kulay ng kurtinang nakatabing sa bandang kaliwa. Dahan-dahan akong umupo at saka lamang nag-sink in sa akin ang lahat. I'm still on my uniform. And here I am, in the clinic. Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot iyon but still, I managed to stand. Hinawi ko ang kurtina saka lumabas sa kwarto na iyon. Nakita ko ang isang nurse na abala sa pagsusulat sa mesa. By the look of her, she's already on mid 30's. Naramdaman niya siguro ang presensiya ko kaya nag-angat siya ng tingin. Kapagkuwan ay ngumiti siya saka itinigil ang ginagawa at lumapit sa akin. "Kamusta ka na? Ang pakiramdam mo?" Tanong niya. Tipid akong ngumiti saka sumagot. "Ayos lang po," sagot ko. "Natagpuan ka na lang sa comfort room ng mga babae, walang malay na nakasandal sa pader. Ano bang nangyari?" she asked curiously. And memories flashback on my mind. "M-meron pong sumugod s-sa akin." Unti-unting nanlaki ang mata ko. Bumalik ang takot sa aking sistema nang maalala ang nangyari. "Meron pong kakaibang nilalang kanina roon. Mahabang pangil, pulang mata at mahahabang kuko. And suddenly, a guy popped from nowhere..." Napatigil ako nang makita ang hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha niya. Nang mapansin niya ang tingin ko ay tumikhim siya saka pilit na ngumiti. "M-mukhang meron kang phobia sa dilim, that's why your brain is making unbelievable things." And that hit me. Walang maniniwala sa akin. Because that's beyond possibility. Pero alam ko, nangyari iyon. I can feel it, ang haplos ng lalaking nagligtas sa akin. Ang lalaking nagnakaw ng una kong halik. Ramdam ko pa rin ang init ng labi niya sa akin. "I think you need to visit psychiatrist, hija. Not because you're crazy, but because you need it. Malulunasan iyan." Tama ang nurse. Noon pa man alam ko na takot ako sa dilim. Baka sa sobrang takot ko lamang iyon kaya gumawa ng halimaw ang utak ko, at dahil sa sobrang takot ulit kaya gumawa ng tagapagligtas ang utak ko. The nurse said, na sandaling-sandali lang nawalan ng kuryente. Halos inabot lang ng dalawang minuto. At kung aalalahanin ko, tumagal ang pangyayari sa comfort kanina ng halos kalahating oras. Maybe it's just really my brain that is so imaginative. Sinuot ko ang apron ko saka inayos ang buhok at ipinusod. I wore my hairnet afterwards saka naghanda para sa trabaho. Nagta-trabaho ako sa lechon-an. Pork, chicken and fish. And it is open for whole day kaya ala-sais ng gabi ang pasok ko at alas-dose naman ng madaling-araw ang out ko. It's exhausting, dahil nakatapat ako sa mainit since ihaw iyon. Tapos marami pang customers at sunod-sunod dahil talaga namang masarap ang luto kaya dinadayo nang marami. "Sweet, nag-order yung mga taga-Nyx Salon. Deliver daw." Inabot sa akin ni Kuya Gabo na siyang may ari nitong pinagtatrabahuan ko, ang dalawang plastik na naglalaman ng tig-isang buo ng inihaw na manok. Tumango ako saka hinubad ang hair net at apron saka lumabas. Binati ako ng mga tricycle driver na nakaparada sa gilid. Kilala na rin naman ako dito dahil matagal na akong nagta-trabaho. Kailangan kasi kumita, para sa upa sa bahay. At sa pag-aaral. Hindi naman porke't scholar ako ay wala na akong gagastusin. Libre ang uniform, ang mga libro at tuition pero hindi ang mga projects, papers at iba pa. Kaya dapat ko talagang pagbutihin ang pag-aaral. Sila Irene at Stella naman ay pinapadalhan ng mga magulang nila. Wala naman magpapadala sa akin, at kung meron man hindi ko iyon siguro tatanggapin dahil dapat ako ang magbibigay sa kanila. Mapait akong ngumiti. Pero agad ko ring inalis ang lahat sa isip ko. Ayokong maging malungkot. Wala akong mapapala kung magmumukmok ako. Hindi ko naman sila makikita kahit ilang balde pa ng luha ang ilabas ko. Ini-slide ko ang pinto since it is a sliding-door. Nakita ko ang mga tao roon, ang isa ay naka-upo at nagbabasa ng magazine. Ang isa naman ay pinaplantsa ang buhok ng customer. Sa tingin ko ang iba ay nasa loob pa at nag-mamassage. "Uy, andito na si Ganda," tili ng isa sa mga bakla nang mapansin ako. Ngumiti ako sa kaniya. Nagsilingunan naman ang iba at nagtitili. "Sa wakas, I'm so tom jones na kaya," reklamo ng isa pa. Inabot ko na ang plastik at tinanggap ang bayad. Nagpasalamat sila bago ako lumabas. Habang naglalakad ay sandali akong napatigil. I can feel that someone is watching me. Parang bawat kilos ko ay nakasunod ang mata ng kung sino man. But I just shrugged it off. I think I'm just being paranoid. Napa-iling na lang ako at nagpatuloy sa paglakad. Nabigla ako nang makarinig ng sigawan. Nakita ko ang isang lalaki na tumatakbo na may hawak na kutsilyo. Takot na takot ang mukha, hinarang siya ng mga pulis at nilagyan ng posas. "D-doon..." Nauutal nitong saad at may tinuturo kung saan. Putlang-putla ito at bakas ang sobrang takot sa mukha. "Nangholdap ka na naman. Kakalaya mo pa lang ah," saad ng matabang pulis saka hinila ito. "M-may h-halimaw roon!" Nahihintatakutan nitong sigaw. Nagtawanan naman ang mga pulis at hinila na siya papunta sa police car. Pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ko kung hindi ang isinigaw ng lalaki. Halimaw? At biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina or should I say ang pangyayaring gawa-gawa lang ng utak ko. Halimaw rin iyon, parang katulad sa mga nababasa kong kwento. Bampira ang tawag sa kanila. Mga nilalang na may mahahabang pangil, mahabang kuko at pulang nanlilisik na mata. Kinilabutan ako sa naisip. Baka nag-iimahinasyon rin lamang ang lalaking iyon. O baka gusto niyang makatakas kaya gumagawa siya ng storya. Or worst, he maybe under the power of drugs. Talamak pa naman ang pag-gamit ng mga drugs at halos gumagawa ng krimen ang mga nasa ilalim noon. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad at bumalik sa trabaho. Naging nakakapagod ang gabing iyon, masyadong naging mabenta. Idagdag pa na hindi naka-pasok si kuya Robert. Kaya isa rin ako sa nag-chopped ng karne. Masakit sa braso at nakakapagod, galing pa ako sa paaralan kanina. But what can I do, if I stop doing this, ako rin ang mahihirapan. And also, I love my job kaya kahit nakakapagod ay nag-eenjoy rin ako. Hindi ko na namalayan ang oras, nagulat na lamang ako na uwian na pala. Medyo lampas rin kami sa oras na dapat ay uwian dahil marami pa ang humabol ng bili kahit madaling araw na. Isa-isa na kaming nag-paalam at sumakay na sa jeep. Marami rin akong nakasabay, halos katulad ko na galing sa trabaho. Makalipas ang ilang minuto ay narating na ang village. Tumigil lamang ang jeep sa may gate kaya bumaba na ako. Ako lang ang mag-isa na bumaba rito kaya mag-isa lamang akong naglalakad. Maliwanag naman ang daan, since kada-poste ay may ilaw kaya hindi rin ako natatakot. Malapit na ako sa apartment nang may mapansin sa may unahan. May bulto ng tao na nakaluhod sa sahig, kita ko pa ang marahan na pag-galaw ng ulo niya. Naglakad ako palapit. Kinilabutan ako nang marinig ang tila pagsipsip na tunog. Maya maya ay may binitawan siya. Napamulagat ako nang makita ang putlang-putlang babae, na mukhang naubusan na ng dugo. Payat na payat na ang katawan nito. And what caught my attention was the holes on her neck. Nanuyo ang lalamunan ko. Napahakbang ako paatras. My heart was beating so fast, nag-uumpisang lukubin ng takot ang sistema ko. Nanlalamig na rin ako at naramdaman ko ang pagtulo ng pawis mula sa aking noo. Pakiramdam ko ay nasusuka ako sa sobrang lamig, takot at kaba. Isa rin ba ito sa mga ilusyon ng utak ko? Inaatake na naman ba ako? Natigil ang paghinga ko nang makatapak ako ng tuyong dahon, dahilan para makagawa ng ingay. Mahina lamang ang langitngit na iyon, pero dahil na rin sa tulong ng sobrang tahimik na paligid ay rinig na rinig iyon. Unti-unti akong nilingon ng nilalang na iyon. I gasped when I saw his face. Putlang-putla ang balat niya, mapupulang labi, mahahabang pangil at ang pinakanakakatakot ay ang pag-agos ng dugo mula sa kaniyang bibig. Nagkatitigan kami. Pakiramdam ko ay wala ng kulay ang aking mukha dahil sa takot. Nanginginig na rin ang katawan ko, nanghihina ang tuhod. Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya. Ngising halos ikapunit na ng kanyang bibig. Dahan-dahan siyang tumayo at mariin na nakatitig sa akin. I want to run, but it seems like my feet are frozen on my spot. Bakit ganito? Gusto ko nang tumakas! Bakit ayaw kumilos ng katawan ko? Dahan-dahan siyang naglakad palapit. Ilang metro lamang ang layo namin sa isa't-isa. Nagsisimula na namang tumulo ang luha mula sa mata ko. Bakit ba ang hina ko? Bakit mabilis ako matakot? Bakit wala akong magawa? Lumipas ang segundo, ilang hakbang na lamang ang layo namin sa isa't-isa. Huminga siya nang malalim. I saw how his eyes dilated. Lalong ngumisi ang nilalang sa harap ko. Ngising nakatatakot, nakakikilabot lalo na at tumutulo ang dugo mula rito. "So sweet. Your blood is so sweet," aniya sa magaspang ng boses. Parang narinig ko na rin ang salitang iyan. Tama, ang inaakala kong gawa-gawa ng utak ko. Ang nilalang kanina sa comfort room, sinabi na rin iyan. And now, I confirmed something. Totoo ito, ang nangyari kanina ay totoo. Hindi lamang gawa-gawa ng utak ko. Humangin nang malakas. Dumampi ang malamig na hangin sa aking balat. Ang lamig na iyon ay nagdagdag ng kilabot sa nararamdaman ko. "I'm hungry now, but I think I'm also hungry for something," aniya. Malagkit niyang pinasadahan ng tingin ang katawan ko. I want to cover myself kahit may damit ako. Dahil kahit natatakpan pa rin ng saplot ang katawan ko, pakiramdam ko ay nakahubad na ako sa harap niya. But I can't move! Damn, bakit ganito? Inisang hakbang niya ang pagitan namin, at akmang hahawakan ako nang may tumarak na espada sa tiyan niya. Nanlaki ang mata ko. Nakita ko ang pagbulwak ng dugo sa bibig niya, maging sa tiyan niya. May halong itim ang mga ito. Napapikit ako dahil sa takot. Nakakadiri, nakakikilabot! "Aaaaah!" Napamulat ako nang sumigaw siya. At sa pagmulat ko ay tumama ang samurai sa leeg niya dahilan para maputol ang ulo niya. Dilat na dilat ang mata niya nang bumagsak ang kanyang ulo. Nagtalsikan pa ang dugo mula sa ulo niya dahil sa impact nito sa semento. May lumalabas na mga dugo sa kaniyang bibig. At ang katawan naman niya ay nanatiling nakatayo ngunit hindi ko maatim na tignan ito dahil masyadong nakakatakot ang sinapit niya. Unti-unti itong napaluhod hanggang sa matumba. Napasigaw ako nang tumama ang putol nitong leeg sa aking paa. Napaatras ako at napaiyak sa takot. Malakas na umihip ang hangin, kasabay nito ay ang unti-unting pagiging abo ng bangkay ng halimaw na nasa aking harap at humalo sa hangin. Nanatili akong tulala sa kinatatayuan ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang mainit na brasong yumakap sa akin mula sa likod. "Did I scare you, my innocent Sweet?" tanong niya. Tumama ang mainit niyang hininga sa tenga ko. Napapikit ako nang maramdaman ang pagdaloy ng mga munting kuryente sa katawan ko. Unti-unti niya akong hinarap sa kaniya. Nakasuot siya ng jacket at gamit niya ang hood nito. May suot din siyang maskara na natatakpan ang kalahati ng mukha niya. I stared on his gray eyes. Matiim itong nakatitig sa akin. "You need to sleep now, my Sweet," bulong niya at idinampi ang labi sa akin. Mariin akong napapikit sa pagdikit ng labi namin. He kissed me passionately, at habang tumatagal ay unti-unting bumigat ang talukap ko hanggang sa maging itim na ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD