Eliza's POV After One Year! Nasa harapan ako ng puntod ng taong gumulo, nagpatatag at nagmahal saakin ng tunay. Isang taon narin ang nakakalipas ng mawala sya sa buhay ko. Ngayon araw na ito ang kanyang death anniversary, noong nakaraang araw lang din ang sa kapatid kong babae. Magkasama na kaya sila? Siguro naman oo, naging masama sila sa magkaibang bagay pero alam kong may kabutihan silang taglay. Hindi man kami nagkausap ni Ellaine para magkapatawaran, alam kong okay na kami. Pinatawad ko sya, ganun din sya saakin. Brandon G. Angeles Born: April 10 19** Death: April 10 2014 Noong una ay hindi ako makapaniwala sa nangyayari, masyado akong pre-occupied sa kapatid kong yumao, kay mama na sobrang kinamumuhian ako, tapos ng malaman kong hindi kami magkapatid ni Marco. Hindi ako Bustama

