Eliza's POV Palabas na kami ng restaurant na pagmamay-ari ng mga Bustamante. Hindi kami nag iimikan ni Brandon, wala rin naman akong sasabihin. Marahil siya rin, pero kita ko ang saya sa kanya. Kahit na nagkaroon ng konting tensyon kanina. Masaya parin sya, mukhang nakuha nya talaga ang loob ni papa. Nang makalabas na talaga kami, agad akong napatili sa gulat ng may dumapong suntok sa mukha ni Brandon. "Oh my God!" sigaw ko. Napatingin ako kay Marco na galit na galit, may mga guards din na pimipigil sa kanya ng aakmang susuntukin ulit nito, nakikita ko sa mata ni Marco, galit na galit sya, lahat ng frustrations sa mundo ay pinakawalan nya sa isang suntok kay Brandon. Ako ang natakot para sa kanya, baka kasi lumabas sila papa ang masaksihan ang ginawa ni Marco. Dinaluhan ko si Brandon n

