Eliza's POV Bitbit ko na ang mga kagamitan ko, doon na ako tutuloy sa condo unit ni Brandon, sasabihin ko sa kanya ang lahat pati ang agarang pagpapakasal namin. Sigurado din naman akong papayag sya, sana lang ay wala na sa litrato si Patricia para hindi na magkagulo pa. Ayoko nang magkaroon ng ugnayan kahit konti sa kanya. Naaalibadbaran ako, ayoko talaga sa ugali nya. "Alis na ako ma" sabi ko, kanina lang sya tahimik. Tumango lang sya bilang sagot. Tinignan ko ang dalawa kong kapatid na umabsent nalang muna, kanina pa kasi nag iiyakan ng malamang aalis narin ako. Ayaw nila, iniwan na sila ni Erik at Ellaine tapos ako naman ngayon, ayoko pa. Sa totoo lang kung pwede ko lang silang isama saakin, gagawin ko pero hindi pwede. Kahit anong paliwanag ko, hindi rin nila maiintindihan, anong a

