Ellaine's POV Napatalon ako bigla dahil tumunog ang cellphone ko. Napakunot noo naman ako pagtingin ko kung sino. Unknown calling.... Ang akala ko si Ate kaya sinagot ko agad; baka na batt empty iyon at nakikitawag lang; baka may importanteng sasabihin. "Hello? Ate? Ikaw ba iyan?" sagot ko sa tawag. "......" walang sumasagot sa kabilang linya kaya nawindang ako, sino naman itong nanloloko sa mga oras na ito? "Hello? Kung hindi ikaw si Ate Eliza, wag ka ng tumawag pa ulit" sigaw ko at ibaba na sana. "Ellaine Perez?" sabi sa kabilang linya, boses bakla. "Yes? Ako nga, sino po ito?" mukhang may kailangan saakin kaya hininaan ko na boses ko. "Gusto mo bang tulungan ang ate mo sa kanyang trabaho?" sabi nito; very suspicious. "Po?" sagot ko. Bigla nalang umingay ang kanyang background

