"Eli...hindi ko pa nakikita si Sir lumabas ng kwarto, nakakapagtaka halos oras oras kang tawagan nun, himala ata ngayon? Adik iyon sayo dba?" usad ni Penelope habang kami kumakain, humalakhak ako sa kabaliwan. Si Marco? Adik? Diba masama iyon? At saakin pa talaga ano, natatawa ako sa ideyang baliw na baliw saakin si Marco samantalagang ako baliw na baliw rin sa kanya. This is love, give and take. Alas kwatro na sa hapon at tama nga si Penelope wala pang Marco ang lumalabas kaninang umaga lang. Naisip kong busy ito kaya di ko nalang sya dinistorbo. "What do you know?" tumawa lang ako ulit. "Baliw siya sayo, tsala adik narin. Naku Eli kung alam mo lang, before ka dumating sa buhay ni Sir pariwara yan" natigil ako sa sinabi nya at nagseryoso. Pariwara? Bakit? Rebelde ba itong boyfriend ko?

