Darryl's POV Hindi ko akalaing buhay pa ako pagkatapos ng anim na taon. Halos sirain ko na ang buhay ko dahil wala namang kwenta ang lahat. Nabuhay akong parang patay. Nagising na lamang ako isang araw nang masaksihan ko mismo at marinig sa mga empleyado ko ang sitwasyon nila. "Pare, pabagsak na ang kompanya. Halos wala ng kinikita ang kompanya nitong mga nakaraang taon. Pinabayaan na ng tuluyan ni sir Darryl ang pamamalakad dito. Natatakot ako pare. Paano na ang pamilya ko? May sakit pa naman ang bunso ko. Mahirap maghanap ng trabaho lalo na at matanda na ako." Dinig na dinig ko ang usapan ng mga empleyado ko nang hindi sinasadyang napadaan ako sa sales department. Nawala ang pagkalasing ko at ng mga sandaling iyon ay naisip ko ang kalagayan ng mga tauhan ko. Naging makasarili ako sa lo

